Wednesday, May 7, 2014

CPP/Ang Bayan: 9 sundalo patay, 4 sugatan sa operasyong harasment sa NSamar

Excerpt from the Tagalog edition of the propaganda publication Ang Bayan posted to the CPP Website (May 7): 9 sundalo patay, 4 sugatan sa operasyong harasment sa NSamar

Di bababa sa siyam na sundalo ng 63rd IB ang napatay at apat na tropa nito ang nasugatan sa serye ng mga operasyong harasment ng Rodante Urtal Command ng Bagong Hukbong Bayan (RUC-BHB) sa Northern Samar nitong Abril 9-12.

Dalawang sundalo ng Bravo Coy ng naturang batalyon ang napatay at dalawang ang nasugatan nang isnaypin sila ng BHB bandang alas-7 ng umaga noong Abril 9 sa Barangay Cagmanaba, Mondragon. Noong araw ding iyon, hinaras ng RUC ang mga tropa ng 63rd IB bandang alas-9 ng gabi sa Barangay Flormina sa parehong bayan.

Kinabukasan, isa pang sundalo ang napatay at dalawa pa ang nasugatan nang paputukan ng RUC ang mga elemento ng 63rd habang papabalik ang mga ito sa kanilang kampo sa Barangay San Isidro, sa bayan din ng Mondragon. Bago nito’y binugbog nila ang isang magbubukid na residente ng barangay.

Noon Abril 10, nagtamo ng di pa matiyak na bilang ng mga kaswalti ang kaaway nang harasin ng BHB ang 63rd IB sa Barangay McKinley, Catarman. Ligtas na nakaatras ang mga Pulang mandirigma kahit pa gumamit ang kaaway ng mga helikopter para tugisin sila.

Noong Marso 21, pitong sundalo ng kaaway ang napatay nang magka-misencounter ang mga elemento ng 87th IB matapos salakayin ng mga tropa nito ang limang Pulang mandirigma sa Barangay Bulwan, Calbiga, Samar.

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140507/9-sundalo-patay-4-sugatan-sa-operasyong-harasment-sa-nsamar

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.