Florante Orobia
Spokesperson
NPA Albay Provincial Operations Command (Santos Binamera Command)

Ang muling paglulunsad ng isang bahagi ng US-RP Balikatan 2014 ngayong Abril hanggang Mayo sa probinsya ng Albay ay nakakamuplahe sa mga aktibidad na “Humanitarian and Civic Assistance (HCA)”. Tulad ng buong pakete ng US-RP Balikatan Exercises na taunang dinaraos sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas simula pa noong taong 2000, ito ay malinaw na pagyurak sa soberanya at integridad ng bansa, kontra-mamamayan at mapanlinlang.
Ang ilang tipo ng “Humanitarian and Civic Assistance (HCA)” gaya ng pagtatayo ng school building (ENCAP), healthcare engagements sa anyo ng mga medical missions/symposia at iba pang civil-military operations (CMO) activities ng Balikatan 2014 na gaganapin sa ilang barangay ng Guinobatan at Legazpi City ay nagkukunwaring ’tulong ng isang kaibigan". Pinapakete bilang tulong ng US samantalang mula sa kaban ng bayan ang ginagastos dito at ang mga proyektong pang-imprastraktura ay ‘ampaw’ ang pagkakagawa katulad ng mga karaniwang maanomaliyang proyekto ng gobyerno. Noong Balikatan 2009, nadismaya ang mga residente sa lugar nang ang ilang metrong tinapalang kalsada sa Brgy. Malidong, Pioduran, Albay na ipinangalandakan na bahagi ng “humanitarian mission” ay bumalik sa pagiging lubak-lubak pagkalipas ng ilang buwan matapos na gawin ito. Ginagamit ang salitang ‘humanitarian’ upang magmukhang ‘non-military’ ang naturang aktibidad ng Balikatan Exercises. Itinatago nito ang tunay na kulay ng mga mersenaryong US Troops at ang mapanibasib na katangian nito ng mga ipinakitang halimbawa ng human rights violations ng 901st Bde habang nagsasagawa ng clearing operations para sa US-RP Balikatan 2009 sa Brgy. Balanac, Ligao City noong Pebrero 2009 kung saan pinaulanan ng bala ng mga militar ang ilang bahay ng mga residente na ikinasunog ng kanilang tahanan at ikinasugat ng pitong sibilyan. Tulad ng civil-military operations (CMO) ng Oplan Bayanihan ng rehimeng Noynoy, pagpapapogi at panlilinlang ang Humanitarian and Civic Assistance ng US-RP Balikatan 2014. Ang Balikatan Exercises sa anyo ng Humanitarian Civic Assistance na gaganapin sa Albay ay pinagsisilbi para sa layuning militar US at hindi magdudulot ng kaunlaran para sa mamamayang Albayano.
Ang Balikatan 2014 na gaganapin sa Albay na kasabay ng sa Tacloban ay isa lamang sa maraming aktibidad na pawang civic and military drills and trainings sa mga kampo at pasilidad ng AFP sa bansa. Naglalayon itong sanayin at hubugin pa ang AFP at PNP bilang kolonyal at papet na hukbo ng US sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga pagsasanay sa surveillance, physical and social terrain mapping, pananatili ng mga US military advisers sa mismong pamunuan ng AFP, pagbili sa US ng mga pinaglumaan at surplas na kagamitang militar hanggang sa aktwal na paglahok ng US sa piling operasyong militar sa bansa. Ang layuning “interoperability” ng US troops at AFP-PNP ay walang iba kundi ang pagpapaunlad at pagtaya ng US sa kapasidad ng AFP-PNP sa pagsugpo sa rebolusyonaryong kilusan at sa makatarungang paglaban ng mamamayan. Ito ay paghahanda sa magkasanib nilang operasyon kapag tuwiran na ang agresyon ng US sa Pilipinas sa susunod na panahon.
Ang mga aktibidad ng Balikatan 2014 ay malinaw na panghihimasok sa panloob na usapin ng Pilipinas. Dagdag pa, ang regular na presensya ng tropang militar ng US saanmang bahagi ng bansa ay malinaw na labag sa soberanya at integridad ng Pilipinas bilang isang bansa. Makakaladkad lamang ang Pilipinas sa kaguluhan at gera na laging pinapasimunuan ng US upang mamantini ang paghahari nito sa daigdig, sa halip na makatulong sa estabilidad ng Pilipinas. Ang Balikatan 2014, ay lalahukan ng lampas dalawang libong (2,000) US troops at sa Albay ay apat na raang (400) ang inaasahang kalahok. Kinokondisyon nito ang mamamayang Bikolano na masanay sa presensya ng US troops hanggang pikit-matang matanggap ang panghihimasok ng dayuhang imperyalismong US sa bansa.
Ang patuloy na paglulunsad ng BALIKATAN EXERCISES ay labag sa konstitusyon ng Pilipinas. Ang mga kasunduan tulad Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty ay pagpapatunay ng neokolonyal na kontrol ng imperyalismong US sa bansa at ng pagkatuta sa US ng rehimeng Noynoy. Walang tunay na pakinabang ang mamamayang Albayano sa Balikatan 2014 bagkus ay magsisilbi lamang ito sa pang- ekonomiya, pulitika at militar na interes ng US at ng lokal na papet nito.
Sasamantalahin ng US ang Balikatan Exercises dahil mas mahigpit ang pangangailangan nilang kontrolin ang ating bansa at ang pamilihan ng buong Asya-Pasipiko na tinuturing ng US na magsasalba sa lumulubog na ekonomiya nito. Tuwang-tuwa naman ang pangkatin ni Noynoy laluna’t sumusuporta ito sa anti-mamamayan at pasistang programa nitong Oplan Bayanihan.
Katulad ng militanteng paglaban ng mamamayang Bikolano laban sa Balikatan 2009, dapat muling ilantad, tutulan at labanan ng mga Albayano kasabay ng mamamayang Bikolano ang Balikatan 2014. Kailangang maging mapagbantay ang mamamayan sa mga paglabag sa karapatang-pantao tulad ng paninira ng ari-arian at paglapastangan sa mga kababaihan habang inilulunsad ang Balikatan. Kailangang makiisa at kumilos ang mga Albayano para labanan at ipawalang-bisa ang US-RP Mutual Defense Treaty at Visiting Forces Agreement at pati na ang panibagong kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na minamadaling lagdaan ng US at Pilipinas ngayong buwan ng Abril.
Mabuhay ang mamamayang Albayano! Mabuhay ang Demokratikong Rebolusyon ng Bayan!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140420_us-rp-balikatan-2014-sa-albay-mapanghimasok-mapanlinlang-at-kontra-mamamayan

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.