Simeon Magdiwang
Spokesperson
NDFP Cavite Provincial Chapter
Spokesperson
NDFP Cavite Provincial Chapter
Mariing kinukundena ng National Democratic Front-Cavite ang pampulitikang panunupil ng rehimeng US-Aquino sa Barangay Patungan, Maragondon. Noong madaling araw ng ika-21 ng Pebrero, parang mga aswang na naghasik ng lagim ang mga reaksyunaryong pulis sa tahimik na nayon ng Barangay Patungan.
Sa kanilang kadesperaduhan, pinagtulung-tulungan pa ng mga elemento ng Cavite Provincial Public Safety Company, Special Weapons and Tactics o SWAT, 734th Combat Squadron ng Philippine Air Force, at Maragondon Municipal Police Station ang naturang operasyon. Pinamunuan ito ni Police Chief Inspector Egbert B. Tibayan sa direktang superbisyon ni Police Superintendent Dominic T. Bedia.
Nais pa sanang palihim na arestuhin ng mga reaksyunaryong pulis sina William Castillano, 60 taong gulang, at Lorenzo Obrado, 59 taong gulang, at tatlong iba pang kasapi ng Samahan ng Mangingisda sa Barangay Patungan.
Nagtanim ang mga reaksyunaryong tropa ng gubyernong Aquino ng mga armas at bomba sa bahay ng mga biktima at sinampahan sila ng gawa-gawang kaso na illegal possession of firearms at explosives, kasabay ng pagkakalat ng motibong mga kasapi sila ng New People’s Army.
Bago pa ang pangyayaring ito, kaparehong kaso na rin ng pag-aresto at pagsasampa ng gawa-gawang kaso ng illegal possession of firearms ang ginawa ng mga reaksyunaryong pulis sa pinalalabas na kasapi umano ng NPA sa Barangay Patungan.
Isang desperadong hakbang ng rehimeng US-Aquino ang naturang pampulitikang persekusyon at pag-uugnay ng ligal na demokratikong kilusang masa sa NPA sapagkat layunin ng reaksyonaryong gubyerno na bigyang katwiran ang kanilang marahas na atake sa mamamayan, paghahasik ng lagim at pagtatanim ng takot sa mga komunidad kung saan tumitining ang pakikibaka ng mamamayan.
Indikasyon ito ng lumalakas na kilusang masa sa isang panig, at pagkakalantad ng pagtatanggol ng reaksyunaryong gubyernong Aquino sa mga panginoong maylupa, dambuhalang depeloper at komprador-burges, sa kabilang panig.
Malaking bahagi o katumbas ng 602 ektarya ng Brgy. Patungan ay nasasakupan ng Hacienda Looc na nais idebelop ng Manila Soutcoast Development Corporation at SM Investment Corporation, mga negosyong pinagmamay-arian ng dambuhalang komprador-burges na si Henry Sy. Balak ni Sy na idebelop ang erya para tayuan ng mga pribadong negosyo at high-class na resort at iba pang libangan ng mayayaman.
Samantalang may ilang bahagi naman ang barangay na kinakamkam ng mga panginoong maylupa na sina Leonides Virata at Panlilio, na kamakailan ay naging marahas ang atake sa mga mangingisda sa barangay dahil sa pagtatambak nila ng mga security guards sa mga pasukan at labasan ng barangay. Ipinagbawal nila ang pagtatayo ng mga kongkretong bahay sa barangay at kinokontrol ang paglaba-masok ng mga tao at kalakal dito.
Bahagi ng sistematikong plano ng rehimeng US-Aquino ang pagtatambal ng taktika ng pananakot at panunupil kasabay ng pagpapatupad nito ng 12 kontra-mamamayang proyekto sa payong ng National Reclamation Plan sa lalawigan. Kabuhayan at paninirahan ng halos 30,000 pamilya ng maralitang lungsod at maliit na mangingisda ang wawasakin ng naturang proyekto. Ngunit titiyaking ng rehimeng US-Aquino hindi magiging hadlang ang mamamayan sa pagpipyesta nila ng mga amo nitong dambuhalang dayuhang pribadong negosyo at lokal na kumprador-burges sa yaman ng lalawigan.
Kasuklam-suklam ang ganitong mga pagyurak ng reaksyunaryong hukbong sandatahan ng rehimeng Aquino sa karapatang pantao na nagpapatunay na walang pinag-iba ang kasalukuyang rehimen sa nagdaang rehimen – pare-pareho silang pasista, kontra-mamamayan at makadayuhan. Ang “tuwid na daan” ni Aquino ay walang iba kundi ang madugong daan maghahatid sa sambayanan tungo sa mas malalim na karalitaan.
Kung tunay na tapat sa kanyang pinamumunuan ang kasalukuyang lokal na gubyerno sa pamumuno ni Jonvic Remulla at Ramon Revilla III, hindi naman dapat nila isasantabi ang ganitong kaso ng paglabag sa karapatang-pantao. Kung ganap na hinuhubaran ng ganitong paglabag sa karapatang pantao ang ilusyon ng dilaw na demokrasya, dapat na ipakita ng lokal na gubyerno ang kaibahan nito kay Aquino.
Kung gayon, hindi dapat natin ipagtaka kung paparami nang paparami ang sumasapi sa Bagong Hukbong Bayan at sa rebolusyonaryong kilusan sa gitna ng ganitong pagsikil sa karapatang pantao. Hindi dapat ipagtaka kung namumulat ang taumbayan sa tunay na kulay ng estadong neokolonyal ng rehimeng US-Aquino—na isang marahas na makinarya lamang ito ng naghaharing uri upang protektahan ang makauring interes nito.
Huwag nating hayaang tumimo sa ating diwa ang takot, at ibayong ibaling ang ating pangamba sa higit na katapangang harapin ang mga atake ng reaksyon. Patunayan nating kailanma’y hindi kayang maapula ng rehimeng US-Aquino ang ating nag-aapoy na pakikibaka laban sa pangangamkam sa ating lugar panirahan at kabuhayan.
Panahon na upang agawin ng uring api at pinagsasamantalahan ang pampulitikang kapangyarihan, durugin ang hasyenderong estado ng pangkating US-Aquino at itindig ang gubyernong bayan na tunay na maglilingkod sa uring anakpawis.
Kung kaya, nananawagan kami sa aming mga kababayang Kabitenyo na isanib ang ating lakas sa kilusang masang nagsusulong pambansa-demokratikong rebolusyon. Ipagpapatuloy nito ang nabalam na rebolusyong ng Katipunan—isang rebolusyong maghahatid ng ganap na pagbabagong panlipunang mayroong tunay na kalayaan at demokrasya.
Patalsikin ang pasista at pahirap na rehimeng US-Aquino!
Mabuhay ang sambayanang nakikibaka!
Mabuhay ang demorkratikong rebolusyong bayan!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140306_mensahe-ng-pagkundena-sa-pampulitikang-persekusyon-sa-maragondon-cavite

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.