Wednesday, September 9, 2020

Tagalog News: 6ID may bagong talagang commander

From the Philippine Information Agency (Sep 8, 2020): Tagalog News: 6ID may bagong talagang commander (By PIA Cotabato City)

LUNGSOD NG COTABATO, Set. 8 (PIA) – Itinalagang bagong commander ng 6th Infantry ‘Kampilan’ Division ng Philippine Army si Major General Juvymax Uy matapos ang isinagawang 37th Change of Command Ceremony kahapon sa Camp Brig. Gen. Gonzalo Siongco, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Pinangunahan ni Philippine Army Commanding Officer Lt. General Cirilito Sobejana ang nasabing change of command na dinaluhan ng iba’t-ibang mga punong ehekutibo ng iba’t-ibang mga probinsya sa ilalim ng hurisdiksyon ng 6th ID, mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), mga kumander ng military mula sa iba’t-ibang divisions, brigades, at battalions, at iba pang mga stakeholder ng 6ID.

Pinalitan ni Maj. Gen. Uy si dating 6th ID Commander Major General Diosdado Carreon na nagretiro na.


Si Maj. Gen. Uy ay dating nagsilbi bilang assistant division commander ng 6ID sa loob ng dalawang taon. Sa kanyang naging pahayag, nanumpa ito na ipagpapatuloy ang mga magagandang nagawa ng dating commander upang mapaglingkuran nang mabuti ang mga mamamayan ng Central Mindanao.

Inilahad naman ni Lt. Gen. Sobejana ang mga nagawa ng 6th ID sa iba’t-ibang security operations sa pamamagitan ng pamumuno ni outgoing Commander Maj. Gen. Carreon. Sa ilalim ng kanyang command ay nagawa nitong i-neutralize ang 613 mga kaaway sa pagbawi ng 415 mga baril at 84 na improvised explosive devices (IEDs) at pagkukumpiska ng 308 loose firearms.

Binigyang-diin din ni Sobejana na ipinagmamalaki nito ang 6th ID dahil nanguna ito sa mga Philippine Army major units ng taong 2018-2019.

Samantala, sa isinagawang retirement ceremony ni outgoing 6th ID Commander Maj. Gen. Carreon ay pinayuhan nito ang mga naiwan sa serbisyo na maging masigasig sa kani-kanilang tungkulin. (With reports from DPAO-6ID)

https://pia.gov.ph/news/articles/1052549

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.