Wednesday, September 9, 2020

Kalinaw News: Dating Rebelde Nakatanggap ng Firearms Renumeration at E-CLIP Cash Assistance

Posted to Kalinaw News (Sep 9, 2020): 21 Dating Rebelde Nakatanggap ng Firearms Renumeration at E-CLIP Cash Assistance
Mati City, Davao Oriental – Nakatanggap ng firearms renumeration at E-CLIP Cash Assistance ang 21 na dating rebeldeng New People’s Army (NPA) bilang parte ng kanilang pangkabuhayan na ginanap sa Provincial Capitol Grand Conference Room Office, ngayong araw Setyembre 9, 2020.

Biente Unong (21) mga dating rebelde na sumuko sa nasabing lalawigan ang nabigyan ng kabuuang (PhP 2, 592,800.00) para sa kanilang sinukong mga armas o firearms remunerations at (PhP 1, 365,000.00) para sa E-CLIP cash assistance sa kabuuang (Php 3, 957, 800.00).
Pinangungunahan nila Gov. Nelson Dayanghirang ng Davao Oriental, Probinsyal Director Orle Cabaobao ng DILG Davao Oriental, Col Krishnamurti A. Mortela, Bde Commander, 701st Infantry “Kagitingan” Brigade at PCOL Joselito Loriza PD, Davao Oriental Police Provincial Office ang pagbibigay
ng puhunan sa kanilang pagbabagong buhay bilang parte ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Sa pahayag ni Gov. Dayanghirang, “nais kong matamasa ninyo ang tulong at programa ng gobyerno lalo na dito sa Davao Oriental”.

Pahayag naman ni Col Krishnamurti A Mortela, “nanawagan ako sa mga natitirang rebeldeng NPA na tanggapin nila ang mga sinserong programa ng gobyerno para sa kanilang magandang kinabukasan.”

https://www.kalinawnews.com/21-dating-rebelde-nakatanggap-ng-firearms-renumeration-at-e-clip-cash-assistance/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.