NATIONAL SPOKESPERSON
KABATAANG MAKABAYAN
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
SEPTEMBER 07, 2020
Nakikiisa ang Kabataang Makabayan sa buong komunidad ng LGBT sa harap ng pinakabagong atake ni Duterte sa karapatan at pakikibaka nito.
Isang pagtataksil sa bansa at mamamayan ang pagbibigay ni Duterte ng “absolute pardon” sa mamamatay-tao na si US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton para sa kanyang pagpatay kay Jennifer Laude. Ito ay paglapastangan hindi lamang sa pamilya ni Laude at sa komunidad ng LGBT, kung hindi pati rin sa kabuuan ng masang Pilipino.
Hindi pa sapat at hindi sasapat ang anim na taong huwad na pagkakakulong ni Pemberton para pagbayaran niya ang kanyang krimen. Walang duda na naging pabor kay Pemberton ang mga kondisyon ng kanyang sentensya dahil sa pagkakaroon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan na Pilipinas at Estados Unidos na pumoprotekta sa mga Amerikanong sundalo mula sa posibleng pagkakasangkot sa mga kriminal na kasong bunsod ng mga krimeng nagawa habang nasa loob ng bansa. Sa esensya, tinatanggal ng VFA ang karapatan ng masang Pilipino na maningil ng hustisya para sa pamamaslang kay Jennifer Laude.
Ang pagpapawalang-sala ni Duterte kay Pemberton ay isa na namang tuwirang pagsuko ng kalayaan at karapatan ng bansang Pilipinas sa imperyalista. Ito ay magpapaigting at magbibigay-daan sa lalong pananamantala at panlalapastangan ng mga dayuhang militar at pasista sa mamamayang Pilipino.
Ang hakbang na ito ni Duterte ay higit lamang na nagpapatingkad sa mga nangungunang kontradiksyon at tunggalian na patuloy na umiiral sa lipunang Pilipino. Ang krimen ni Pemberton ay sumasalamin sa pyudal na kultura na nagdidikta ng halaga ng isang tao base sa kanyang kasarian o piniling kasarian. Habang ang pagbura ni Duterte sa kanyang mga sala ay palatandaan na ang imperyalismo pa rin ang pangunahing nananamantala at nang-aapi sa lipunang Pilipino.
Ang pagpapanawagan ng hustisya para kay Jennifer Laude ay mahigpit na kakabit ng panawagan na ibasura ang VFA at iba pang hindi makatarungan na batas pabor sa imperyalista. Hindi nag-iisa si Pemberton sa hanay ng mga Amerikanong sundalo na lumabag at lumalabag sa karapatan ng kababaihan at LGBT sa panahon na sila’y nasa loob ng bansa. Ang patuloy na panghihimasok ng Estados Unidos ay nagsisiguro lamang ng pagpapatuloy ng pamamaslang at hindi mabilang na pananamantala sa masang api.
Lalong malinaw sa mamamayang Pilipino na si Duterte ay laging mananatiling sagad-saring panatiko ng imperyalistang Estados Unidos. Walang maaasahang hustisya ang masa hangga’t nananatili din sa pwesto ang pasistang pangulo. Hinog na ang kalagayan para tuluyang singilin si Duterte sa lahat ng kasalanan niya sa masa. Duterte, patalsikin!

https://cpp.ph/statements/panagutin-si-pemberton-sa-kanyang-krimen-ibasura-ang-vfa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.