SPOKESPERSON
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
SEPTEMBER 09, 2020
Mabalasik ang rehimeng US-Duterte kahit sa katiting na kurot ng kritisismo. Kinamumuhian nito ang lahat ng mapanuri, tumitindig para sa kanilang mga karapatan at hindi basta-bastang tumatango sa lahat ng atas nito. Ang kamakailang pag-aresto kina Nelsy Rodriguez, tagapangulo ng BAYAN-Camarines Sur at Ramon Rescovilla, Deputy Secretary-General ng CONDOR-PISTON ay patunay sa takot ng rehimeng US-Duterte sa lahat ng kanyang kritiko. Tulad nina Jenelyn Nagrampa-Caballero ng Gabriela Women’s Partylist at Pastor Dan San Andres ng Karapatan-Bikol, inaresto sina Rodriguez at Rescovilla batay sa gawa-gawang kaso ng murder. Inaresto ang apat na progresibo at patriyotikong lider matapos maisabatas ng Anti-Terrorism Act (ATA).
Ang pang-uusig kina Rodriguez, Rescovilla, San Andres at Nagrampa-Caballero ay bahagi ng pinasahol na atake ng rehimen laban sa lahat ng kritiko, laluna sa mga rebolusyonaryo. Sa kalunsuran, inaaresto at iniuugnay sa gawa-gawang kaso ang mga tanyag na makabayan at progresibong indibidwal upang ipintang krimen ang anumang porma ng paglaban at makapagpalaganap ng takot. Sa kanayunan, idinudulot ng operasyong militar sa tabing ng Retooled Community Support Program (RCSP) ang napakatinding pinsala sa buhay at kabuhayan ng masang Bikolano. Umabot na sa 25 ang naitalang biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa buong taon, kabilang na ang tatlong masaker. Labis-labis na pwersa ng militar at pulis ang ngayo’y naghahasik ng lagim sa mga iba’t ibang prubinsya. Tatlo hanggang apat na batalyon ng pulis at militar ang ipinwesto ng 9th ID sa Sorsogon. Humigit kumulang 50 ang bilang ng barangay na nasa ilalim ng RCSP sa anim na bayan sa Camarines Sur at Albay.
Ang mga tunay na kriminal na dapat ilagay sa likod ng mga rehas ay yaong mga armadong hunyangong patuloy na bumubuntot at sunud-sunuran sa kumpas ng pasistang estado. Mula sa hanay ng AFP-PNP-CAFGU, hanggang sa loob ng Malacanang matatagpuan ang pinakamalalim na balon ng mga utak-pulbura, manggagahasa, arsonista at mga tunay na kaaway ng mamamayan.
Dapat nang matuludukan ang pandemya ng karahasan. Nasa kamay ng bawat mamamayang Pilipinong naghahangad ng pagbabago ang kapangyarihan at kapasyahang wakasan ito at gumising sa bagong umagang hindi na kailangang mangamba pa para sa kanilang kaligtasan. Ito ang kapangyarihan ng mamamayang labis-labis na kinatatakutan ng pasistang estado. Obligasyon ng bawat isa – ng bawat guro, magulang, drayber, estudyante, manininda, anumang propesyon, kabuhayan o estado sa buhay – na ipagtanggol at ipaglaban ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila ng mga batas ng tao at batas ng kalikasan. Hindi dapat maglubay ang lahat ng mamamayan sa pagkamit ng katarungan laban sa sinumang sumasalaula sa kanilang mga batayang karapatan.
Nananawagan ang NDF-Bikol sa mamamayang Bikolano na higit pang maging masigasig sa ibayong pagpapatatag at pagpapalawak na nagkakaisang hanay ng mamamayang magpapabagsak ng pasistang rehimen. Sa huli, tanging ang makatarungang dahas ng digmang bayan, ng pag-aalsa ng mamamayan, ang makakapigil sa bigwas ng terorista at pasistang estado.
https://cpp.ph/statements/labanan-ang-gerang-mapanupil-ng-rehimeng-us-duterte-tumindig-para-sa-katarungan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.