Thursday, May 7, 2020

CPP/Ang Bayan: Protesta sa Mayo Uno

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 7, 2020): Protesta sa Mayo Uno

Hindi napigilan ng pasismo ni Rodrido Duterte ang pagkakaisa at protesta ng mga manggagawa at ibang sektor sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pangangalampag sa rehimeng Duterte sa mga kagyat na kahingian ng mga manggagawa sa harap ng krisis pangkalusugan. Nagkaisa sila sa temang “Kalusugan, Kabuhayan, Karapatan, Ipaglaban!”

Tumayong may sapat na pagkakalayo ang ilang manggagawa, guro at kabataan sa harap ng isang gusali sa UP Diliman. Nagsagawa rin ng mga pagkilos at raling iglap ang mga manggagawa ng Paperland sa Quezon City, Unyon ng mga Manggagawa sa Harbor Centre sa Tondo, Manila at iba pa.

Naglunsad din ang KMU ng “online protest” o protesta sa internet na nilahukan ng iba’t ibang sektor. Ayon sa datos, nagrehistro ito ng 50,000 views o bilang ng nakapanood. Naglunsad din parehong protesta ang mga balangay ng KMU sa Southern Mindanao, Central Luzon, at Southern Tagalog.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/05/07/protesta-sa-mayo-uno/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.