Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 7, 2020): Pinsala ng lockdown sa mga bata at kabataan
Wala pang katulad na pagsasara ng mga eskwelahan ang ipinatupad ng mga bansa sa ngalan ng pagsugpo sa Covid-19. Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), nasa 190 bansa ang nagsara ng mga paaralan, at pinaglagi sa kani-kanilang mga bahay ang may 1.5 bilyong bata at kabataan. Nagdulot ito ng laganap na gutom sa mga bata sa maraming bahagi ng mundo.
Dahil isinara ang mga eskwelahan, nanganganib ang buhay ng 370 milyong bata na nakaasa sa mga ito para sa pagkain. Malaking bahagi sa kanila ay nasa mga bansang dumaranas ng gera at interbensyong militar. Bulnerable rin ang mga batang nasa mga evacuation center na nadisloka dulot ng mga sakuna at militarisasyon.
Pinatindi ng mga pagsasara ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga estudyante. Kalakhan ng mahihirap na estudyante ay walang paraan para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Kumpara sa kanila, mas nakaaalwan ang mga estudyanteng mula sa may-kayang pamilya na may internet at kompyuter sa kani-kanilang mga bahay. Ibinaba ng lockdown ang kakayahan ng mahihirap na estudyante na matuto, lalupa’t kalakhan sa kanila ay nakatira sa siksikang mga bahay kung saan walang angkop na espasyo at kalagayan para sa pag-aaral, walang mga libro at ibang gamit pang-eskwela, at walang lugar kung saan maaaring lumabas at makapaglaro. Sa Pilipinas, ang kalagayang ito ay pinalala ng malawakang gutom, kawalan ng kita at mahihigpit na restriksyon sa paggalaw ng mga magulang at guro. Malakas ang panawagang tapusin na ang semestre o taong akademiko at bigyan ng pasadong grado ang lahat.
Marami nang mga pag-aaral ang nagpapatunay na mababa ang tsansa ng mga batang mag-aaral na mahawa sa Covid-19. Wala ring malakas na ebidensyang syentipiko na napipigilan ng pagsasara ng mga eskwelahan ang pagkalat ng Covid-19 dahil natuklasang hindi naman madaling mahawa ang mga bata. Mas maigi, ayon sa mga pag-aaral na ito, ang pagkwarantina ng mga may sintomas at maysakit kaysa buu-buong pagsasara ng mga paaralan. Noong Marso, naglabas ang United Nations Children’s Fund (Unicef) ng gabay para sa wastong pagpapagana ng mga klase at eskwelahan sa mga bansang tinamaan ng pandemya.
Dati nang may mga rekomendasyon ang UNESCO sa paggamit ng mga eskwelahan at pagpapatuloy ng pagkatuto sa panahon ng mga pandemya. Kabilang dito ang paggamit sa mga eskwelahan para sa diseminasyon ng tamang impormasyon at pangangalaga sa kalusugan, pagtutuloy sa angkop na mga aktibidad at paglalabas ng angkop na mga materyal. Iginiit nito na kinakailangang panandalian lamang ang pagsasara sa mga eskwelahan.
Sa mga bansang pinakatinamaan, pinagkaitan nito ng kita ang mga manggagawa sa edukasyon, habang pinabigat ang responsibilidad ng mga magulang na gumagampan ng krusyal na mga tungkulin sa mga ospital tulad ng mga nars at duktor.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/05/07/pinsala-ng-lockdown-sa-mga-bata-at-kabataan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.