Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 7): Mga manggagawa ng saging sa ComVal, nagwelga
PUMUTOK ANG WELGA sa Shin Sun Tropical Fruit sa Brgy. San Miguel, Compostela, Compostela Valley noong Abril 6 matapos sisantehin ng kumpanya ang mahigit 50 manggagawa nito. Noon pang Marso 16 tinanggal sa trabaho ang 53 manggagawang myembro ng Shin Sun Workers Union (SSWU), isang unyon na nakapailalim sa National Federation of Labor Union-Kilusang Mayo Uno. Ito ay sa tangkang buwagin ang unyon na nakikibaka sa ngayon para sa regularisasyon ng mga kontraktwal nitong manggagawa.
Pitong taon nang nagtatrabaho sa kumpanya ang sinisanteng mga manggagawa. Inempleyo sila ng ECQ Serve Human Resources, isa sa mga labor agency na idineklara na ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagsasagawa ng labor-only contracting (LOC). Ang LOC ay kunwa’y mahigpit na ipinagbabawal sa reaksyunaryong batas, at kahit sa kalalabas lamang na Department Order 174.
Sa halip na iregularisa ang mga sinisanteng manggagawa, kumuha ang kumpanya ng bagong mga manggagawa sa Human Pros Manpower Agency.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170407-mga-manggagawa-ng-saging-sa-comval-nagwelga/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.