Saturday, April 8, 2017

CPP/Ang Bayan: 57 maralita, iligal na inaresto sa QC

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 7): 57 maralita, iligal na inaresto sa QC

ILIGAL NA INARESTO noong Abril 3 ang 57 indibidwal na kabilang sa grupo ng Kadamay na umokupa sa bakanteng lote sa Apollo, Tandang Sora sa Quezon City. Walo sa kanila ay matatanda at 16 ay mga menor-de-edad. Ang 41 sa kanila ay kinasuhan ng trespassing at pamimilit at pinagbabayad ng ₱14,000 na pyansa kada isa.

Dating nakatira sa nabanggit na lugar ang naturang mga inaresto bago sila dinemolis noong maagang bahagi ng 2016. Ayon sa mga residente, arbitraryong idineklara ng lokal na pamahalaan na mapanganib (fire hazard) ang lugar para bigyang-katwiran ang demolisyon. Walang inialok na relokasyon ang gubyerno sa mga dinemolis liban sa hindi malinaw na lugar sa Cagayan Valley. Siyam na buwang nanatili sa lansangan malapit sa Apollo ang mga nawalan ng tirahan. Nitong huli, nagbanta ang upisina ng Metro Manila Development Authority na palalayasin sila sa kalsada kaya nagpasya ang mga residente na muling pasukin ang nakatiwangwang na lote. Deka-dekada na silang nakatira sa lugar.

Mula nang maupo ang rehimeng Duterte, mahigit 4,000 pamilya na sa Metro Manila ang dinemolis at nawalan ng tirahan. Dagdag sila sa 1.4 milyong residenteng dinemolis sa panahon ng rehimeng US-Aquino.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170407-57-maralita-iligal-na-inaresto-sa-qc/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.