Rizalina Bonifacio (Ka Iza)
Spokesperson
KM Laguna Chapter (Kabataang Makabayan - Laguna)

SA ika-122 taong anibersaryo ng Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, gunitain natin ang kagitingan ng mga rebolusyonaryong Pilipino laban sa dayuhang pang-aapi’t pagsasamantala.
Noong Hulyo 7, 1892, pinangunahan ni Gat Andres Bonifacio, na noo’y 29 taong gulang, ang pagtatatag sa lihim na samahang Katipunan na namuno sa armadong rebolusyon para ibagsak ang mahigit tatlong daang taong kolonyal at pyudal na paghaharing Espanyol sa buong kapuluan, at makamit ang kasarinlan ng bayan.
Ngunit ang mga tagumpay ng rebolusyon ay brutal na sinupil at binigo ng Imperyalismong United States (US). Daan libong mamamayan ang makahayop na pinaslang ng tropang militar ng bagong mananakop. Itinayo ng US ang gobyerno ng papet na republika at iginapos ang lipunan sa malakolonyal at malapyudal na kaayusan.
Huwad na kalayaan, tumitinding kahirapan
Inaapi, hirap at walang kinabukasan ang mga kabataan at mamamayan sa ilalim ng korap at pasistang si Noynoy Aquino III na muling ipinamukha ang pagkatuta sa Imperyalismong US nang pirmahan niya ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na yumuyurak sa soberanya at nagbabalik ng base militar ng US sa bansa.
Patuloy na ipinapako sa mababang sahod ang manggagawa, pinagkakaitan ng lupa ang magsasaka, dinedemolis ang tirahan ng maralita, at pinapalayas sa lupang ninuno ang mga katutubo.
Dagdag na pahirap ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis, kuryente, bilihin, serbisyo at buwis na pumapabor sa interes ng dambuhalang panginoong maylupa, malalaking dayuhan at lokal na kapitalista. Malawakan ang tanggalan sa trabaho sa ilalim ng sistemang kontraktwalisasyon habang marahas na inaatake ang karapatang mag-unyon.
Dulot ng komersyalisasyon at lumiliit na badyet sa neokolonyal na edukasyon, milyun-milyong kabataan ang hindi nakakapag-aral sa elementarya, hayskul at kolehiyo. Maging ang kabataang propesyunal at estudyante ay namumroblema sa sobrang laki ng matrikula sa mga eskuwelahang kontrolado ng mga ganid na kapitalistang edukador. Dahil kakarampot o walang oportunidad sa disenteng kabuhayan, marami ang napipilitang kumapit sa patalim at magdusa sa ibang bansa.
Ang pagsasamantala’t pambubusabos ay pinalulubha ng mga kontra-mamamayang programa gaya ng maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP), pork barrel scam, public-private partnership, at kriminal na kapabayaan sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Samantala, bigo ang Oplan Bayanihan sa pakanang durugin ang rebolusyonaryong kilusan.
Isulong ang bagong tipong rebolusyon
Itinuturo ng ating kasaysayan sa panahon ng Rebolusyong 1896, Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1902), pakikibaka laban sa kolonyal na paghahari ng Imperyalismong US (1903-1941), pakikibaka laban sa pananakop ng Imperyalismong Hapones (1942-1945), at pakikibaka laban sa papet na republika (1946-kasalukuyan) na hindi maaasahan ang reaksyunaryong estado na palayain ang Pilipinas sa tanikala ng kahirapan, pang-aapi’t pagsasamantala. Tanging sa pamamagitan ng Demokratikong Rebolusyong Bayan maibabagsak ang tatlong salot na humaharang sa ating ganap na kalayaan, demokrasya’t kaunlaran—ang Imperyalismong US, Pyudalismo at Burukrata-Kapitalismo.
Ang kasalukuyang rebolusyon ay nasa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na ginagabayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Itinatag ng partido ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) upang ituloy ang armadong pakikibakang lumalakas at umaani ng suporta ng mamamayan. Tulad ng mga Katipunero, nakikibaka ang PKP-BHB para ibalik sa masang magsasaka ang lupang kinamkam ng iilang despotikong hasyendero. Tulad ng mga Katipunero, makatarungan ang digmang mapagpalaya ng PKP-BHB kaya hindi matalo-talo ng bulok at mersenaryong militar ng rehimeng Aquino.
Nananawagan ang Kabataang Makabayan sa hanay ng kabataan na pag-aralan ang lipunan at rebolusyon, magtungo sa kanayunan at sumapi sa BHB.
Humango tayo ng inspirasyon kay Gat Emilio Jacinto na sumapi sa Katipunan sa edad na 19, at nagsilbing tagapayo ng samahan at editor ng pahayagang Kalayaan. Siya’y naging punong kumander ng mga rebolusyonaryong puwersa sa lalawigan ng Laguna bago namatay na bayani sa edad na 23.
Kung mayroong Kartilya si Jacinto na malaki ang naitulong upang magkaisa sa paninindigan ang mga Katipunero at makahikayat pa ng maraming miyembro, mayroong Tatlong Pangunahing Alituntunin sa Disiplina at Walong Puntong Dapat Tandaan (Tres-Otso) si Kasamang Mao na mahigpit na sinusunod ng mga pulang kumander at mandirigma upang ang BHB ay mulat sa disiplina’t lubos na naglilingkod sa sambayanan.
Ibagsak ang rehimeng US-Aquino!
Mabuhay ang rebolusyong Pilipino!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140707_ipagpatuloy-ang-pakikibaka-ng-katipunan-isulong-ang-demokratikong-rebolusyong-bayan

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.