Thursday, June 20, 2024

CPP/Ang Byan: 16-anyos na estudyante, pinatay ng militar sa Sultan Kudarat

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jun 21, 2024): 16-anyos na estudyante, pinatay ng militar sa Sultan Kudarat (16-year-old student, killed by the military in Sultan Kudarat)





June 21, 2024

Binaril at napatay ng 7th IB noong Hunyo 9 sa Sityo Kiluding, Barangay Kiadsam, Sen. Ninoy Aquino, Sultan Kudarat ang 16-anyos na estudyante na si Eusibio Cranzo, na kilala rin bilang Kuni Cuba. Pauwi siya kasama ang kanyang kapatid at dalawang kaibigan nang mangyari ang pamamaslang.

Ayon sa mga ulat, nakasalubong nina Cranzo ang nag-ooperasyong yunit ng 7th IB nang paputukan sila. Agad na tinamaan si Cranzo, habang nakatakbo sa katabing maisan ang tatlo niyang kasama. Pinalalabas ng mga sundalo na nakumpiska sa biktima ang isang ripleng Garand at pinaratangan siyang myembro ng Bagong Hukbong Bayan.

Samantala, naitala ang iba pang mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao sa nagdaang mga linggo.

Pambobomba. Tinatayang 2,700 ang apektado ng aerial bombing ng 54th IB sa ilalim ng 503rd IBde sa Barangay Maling, Balbalan, Kalinga noong Hunyo 7. Dalawang helikopter ang naobserbahan ng mga residente na nagpaikut-ikot at naghulog ng mga bomba.

Sa Nueva Vizcaya, walong beses na binomba ng 7th ID ang Barangay Abuyo, Alfonso Castañeda noong Hunyo 20 ng madaling araw. Sunud-sunod din ang pagpapaputok ng dalawang attack helicopter at gumamit ng mga drone ang AFP dito.

Pag-aresto. Sampung araw na ikinulong si Edison Yu matapos arestuhin ng mga pulis noong Hunyo 8 malapit sa embahada ng Israel sa Bonifacio Global City sa Taguig City. Si Yu ay lalahok sana sa protesta kontra henosidyo ng Israel nang damputin.

Sa Kalinga, inaresto ng 54th IB ang isang nagngangalang Gap-idan Claver Bawit na pinararatangan nitong mandirigma ng BHB sa Barangay Balantoy, Balbalan noong Hunyo 6.

Panggigipit. Sa Bulacan, nireyd ng 80th IB at pulis ang bahay ng lider-pesante na si Ronnie Manalo sa Barangay San Roque San Jose del Monte City noong Hunyo 18. Pinalalabas ng mga pulis na nakuha sa bahay ang mga armas, granada at iba pang gamit kahit walang tao dito. Sa parehong araw, pinuntahan ng mga sundalo ang bahay ng lider-pesanteng si Cecilia Rapiz sa Barangay Paradise 3 sa syudad na iyon.

Sa Rizal, paulit-ulit na ginipit ng mga sundalo ang 80-anyos na lider-mangingisda na si Romy Antazo. Noong Mayo, kinuha siya ng apat na sundalo at sapilitang dinala sa munisipyo para “kausapin.”

Sa Negros Occidental, iligal na pinasok at hinalughog ng mga sundalo ng 94th IB at paramilitar ang pitong bahay sa Sityo Cabagal, Barangay Buenavista, Himamaylan City noong Hunyo 7. Ginipit din ng mga sundalo si Evelyn Manait, myembro ng Ituman-Bukidnon, sa Barangay Amontay, Binalbagan noong Hunyo 13.

Noong unang linggo ng Hunyo, “binisita” ng mga pwersa ng estado sina Mafel Macalanda at Lina Ladino, mga lider-katutubo sa Cagayan Valley, sa kanilang mga bahay sa Baguio City at Cagayan para pagbantaan silang aarestuhin.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2024/06/21/16-anyos-na-estudyante-pinatay-ng-militar-sa-sultan-kudarat/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.