Rosa Guidon
Spokesperson
NDF-Ilocos
National Democratic Front of the Philippines
May 02, 2024
Sadyang walang malasakit ang mga Marcos sa sambayanang Pilipino, kabilang ang kababayan nilang mga Ilokano. Wala silang iniisip kundi sariling interes sukdulang ilagay sa panganib ang buhay ng kanilang kababayan, para lamang sundin ang ganid na interes ng kanilang imperyalistang amo.
Nitong nakaraang araw, nagpaliwanag sa publiko ang mayor ng Laoag City sa Ilocos Norte na si Michael Marcos Keon (pinsang buo ni Presidente Ferdinand Marcos Jr) upang pakalmahin ang pangamba ng mamamayan ng Ilocos Norte hinggil sa pagdaos ng Balikatan 2024 sa probinsiya mula Mayo 6-10. Binanggit niya na walang dapat ikabahala ang mamamayan dahil “walang magaganap na gyera at paghahanda lamang ito sa pagdepensa sa pag-atake ng China sa Pilipinas.”
Depensa ito ni Keon sa mga naglabasang pahayag ng iba’t ibang makabayan at demokratikong organisasyon na kumatawan sa sentimyento ng maraming mamamayan sa iba’t ibang bayan sa Ilocos Norte, na tumututol sa pagsasagawa ng Balikatan Exercises ngayong taon. Partikular na mga lugar na pagdadausan ng nasabing ehersisyo militar sa probinsiya ay sa mga komunidad ng mangingisda sa La Paz sand dunes sa Barangay La Paz, Laoag City at sa Barangay Bobon, Burgos, sa may hedkwarter ng 4th Marine Brigade at US Marines.
Naalarma ang masa sa biglaang pagdagsa ng napakaraming mga sundalong Amerikano sa Laoag City patungo sa La Paz, sakay ng mga naglalakihang military truck. Hanggang Abril 30, nasa mahigit 2,000 sundalong Amerikano na ang dumating sa probinsiya. Nabigla ang masa sa pagdagsa ng napakaraming dayuhang sundalo, maging ang mga upisyal ng barangay La Paz at pati ng konseho ng syudad, kung kayat maging sila ay nagre-react. Ayon sa mga upisyal ng LGU, hindi nakoordina sa kanila ang idadaos na war exercises sa kanilang mga lugar kung kaya’t hindi napaghandaan ito at hindi rin nila maipaliwanag sa kanilang mga mamamayan ang magaganap sa kanilang komunidad.
Tahasang pang-uulol sa mamamayan ng Ilocos Norte ang pagsasambit ni Mayor Keon na “walang dapat ikabahala dahil walang magaganap na gyera.” Reaksyon ng masa, “bakit ka maglulunsad ng isang ehersisyo kung wala kang pinaghahandaan? Kung magsasagawa ka ng war games, ibig sabihin ay may magaganap na gera kung saan sasabak ka. Kung naghahanda ka sa pagdepensa sa pag-atake ng China, e di makikigera ka pag umatake ang China!” Buti pa ang masa at matalas ang lohika, kaysa kay Keon na napakapurol ang lohika. O mas presiso pa, sadyang winawala ni Keon ang kaniyang lohika dahil nagbubulagbulagan sa dikta ng kanilang among imperyalistang US.
Hinding-hindi mauulol ni Keon, sampu ng kinapapalooban niyang rehimeng US-Marcos ang masa dahil batid na batid nila ang nagaganap ngayong girian ng imperyalistang US at China. Subaybay nila na araw-araw ay tumitindi ang tensyon sa pagitan ng dalawang imperyalistang ito at anumang oras ay puedeng pumutok ang gera sa pagitan nila, kagaya ng nangyari sa Ukraine at Gaza. Alam din nila na kung bakit dito sa Pilipinas idinadaos ngayon ang war games ay dahil dito planong ilunsad ng imperyalistang US ang kaniyang ikinakasang gera sa China.
Ayaw na ayaw ng masa sa Ilocos Norte na idaos sa prubinsya ang Balikatan dahil naranasan na nila ang panganib na idudulot nito sa kanila. Sa mga live fire exercises noong nakaraan ay nagutom sila dahil binawalan silang pumalaot upang mangisda at pinabakwit ng ilang araw. Iyong mga mangingisdang di natiis na di pumalaot dahil kailangang kumita ay sumuong sa panganib na tamaan ng mga pinailanlang na mga rocket at bala. Yanig na yanig sila sa shockwave ng mga pinasabog na bomba, kahit malayo na sa mismong site. Sa Barangay Pasaleng, Pagudpud na 25 kilometro ang layo sa Barangay Bobon, Burgos na pinagpasabugan ng bomba ay ramdam pa rin ang yanig na parang linindol. Nameligro at naperwisyo din ang mga mamamayan ng Barangay San Joaquin, Sarrat, kung saan pinalahok sila sa war games sa pagbubuhat ng mga kunwari ay makakaswalti na mga Amerikanong sundalo. Hindi rin maayos na nakoordina at napagkaisahan at sapilitan lamang na payagan ng mga LGU ng Ilocos Norte ang nasabing Balikatan Exercises noong nakaraan dahil sa ito ay pinayagan ni Presidente Marcos, kung kayat hindi sila lubos na nakapaghanda.
Ngayon, mas malaking war games ang muling magaganap sa prubinsiya, kung kaya’t nagtatanong ang mamamayan dito kung masasalba kaya ni Mayor Keon, at ng mga Marcos ang mamamayan ng Ilocos Norte kung magkagyera dito sa probinsiya.
Dagdag na pag-aaburido ito sa masang Ilokanong dapang-dapa na ang kabuhayan ngayon dahil sa epekto ng El Niño at tumitinding krisis sa ekonomiya. Alam kaya ng mga Marcos, na maraming mangingisda at magsasaka sa Ilocos Norte ang nakakaranas ng gutom ngayon? Na umaabot hanggang sa 99% ang ibinagsak ng kanilang huling isda epekto ng El Niño? Na hindi makapagtanim ng palay, mais, gulay at iba pang produkto dahil sa kawalan ng tubig?
Ang pahayag ni Keon ay pagbubuntot sa tindig ni Ferdinand Marcos Jr. na nagpapaniwalang “isasalba ng imperyalistang US ang Pilipinas mula sa pandadahas ng China at pangangamkam nito sa teritoryo ng Pilipinas.” Sila ay nagogoyo, o sadyang nagpapagoyo dahil ang katotohanan ay interes lamang ng imperyalistang US na angkinin ang kayamanan ng teritoryal na katubigan ng Pilipinas, kung kaya’t binabakuran niya ito at handang digmain ang sinumang aangkin dito.
Dapat alalahanin na nagdigmaan dito sa Pilipinas noong World War II ang US at Japan dahil pinag-agawan nila ang Pilipinas at iba pang bahagi ng Asia. Sa digmaang ito, ipinangalandakan din ng US na “isasalba ang Pilipinas mula sa pananalakay ng Japan.” Pinalabas nito na siya ang nagsalba sa Pilipinas at dumurog sa Japan, ngunit ang totoo ay ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) ang dumurog sa Japan, at nang napalayas ang Japan ay tuluyan nitong inangkin ang Pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang mga papet na rehimen.
Kung pumutok ang gyera sa pagitan ng US at China dito sa Pilipinas, mauulit lamang ang digmaang US at Japan noong World War II at hinding-hindi isasalba ng US ang Pilipinas at mga Pilipino, kundi gagamitin lamang nitong base at kalasag laban sa China, kagaya noong ginawa niya noong World War II laban sa Japan.
Tumitindi ang girian ng mga imperyalistang bansa ngayon dahil sa pagrurok ng kanilang krisis sa sobrang produksyon at sobrang ganansya, dahilan ng pag-aagawan nila ng mga teritoryong paglalagakan ng kanilang kalakal at puhunan at pagkukunan ng hilaw na materyales. Dahil sa kanilang mga krisis, ang mga imperyalistang US at China ay parehas na nagnanais na kontrolin ang pinag-aagawang teritoryo sa Pilipinas at mga kanugnog nitong mga bansa sa Asia.
Hindi talaga pumapayag ang imperyalistang US na angkinin ng ibang imperyalista ang Pilipinas, dahil sa daan-taon na niya itong neokolonya, lalo pa’t pinipilit nitong panatilihin ang sarili bilang pinakahari sa mga imperyalista. Sa pamamagitan ng mga batas at kasunduan sa Pilipinas kagaya ng Visiting Forces Agreement, Mutual Defense Treaty at ng EDCA, pinananatili nito ang kaniyang militar na kontrol at base militar sa Pilipinas.
Sa kabilang banda, pilit ding ipinupuesto ng imperyalistang China ang kaniyang paghahari sa Asia at sa mundo sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kaniyang pwersang militar, gaya ng pagtatayo ng base militar sa South China Sea, kabilang ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ang tindig ng NDFP sa inter-imperyalistang giriang ito ay dapat na ipagtanggol ng mamamayang Pilipino ang kanilang teritoryal na integridad at soberanya laban sa anumang imperyalistang agresyon at pananakop. Dapat palayasin ang mga pwersa at base-militar ng imperyalistang US sa bansa at ibasura ang lahat ng kasunduan at patakarang nagkakadena sa Pilipinas sa kontrol nito. Dapat itakwil ang pagpapakatuta ng rehimeng Marcos sa mga dikta ng US at panagutin ito sa pagsasapanganib sa buhay ng masang Pilipino sa pagpapagamit sa Pilipinas bilang lunsaran ng kaniyang digma sa mga karibal nitong imperyalista.
Kasabay nito ay kailangang labanan ang paghahariharian ng imperyalistang China at pagtatayo nito ng base-militar sa teritoryong pandagat ng Pilipinas. Dapat igiit ang desisyon ng International Arbitral Tribunal sa ilalim ng United Nations Convention on the Laws of the Seas (UNCLOS) hinggil sa pagmamay-ari ng Pilipinas sa West Philippine Sea na inaangkin ng China.
Sa panahon ng pag-igting ng inter-imperyalistang kontradiksyon kung saan nasasapanganib ang buhay, soberanya at kalayaan ng Pilipinas, ang mga rebolusyonaryong Ilokano ay dapat na magpursigi sa pagmumulat sa masa sa kalikasan ng imperyalistang krisis. Dapat na itaas ang antas ng kamulatan ng masang Ilokano upang mapataas ang kanilang militansya at pagkakaisa upang labanan ang imperyalismo at lahat ng mga indikasyon nito na nagpapalala sa kanilang kaapihan kagaya nitong pagdadaos ng Balikatan Exercises sa bansa. Ipakita ang pangangailangan ng pagsusulong ng demokratikong rebolusyon ng bayan at ibayong pagsusulong pa ng sosyalistang rebolusyon ang tanging magpapalaya sa bansa, at lahat ng bayang inaapi sa mundo, mula sa saklot ng imperyalistang pang-aapi.
Napatunayan sa kasaysayan ng bansa na sa armado at rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan lamang makakamit nito ang tunay na kasarinlan, kagaya ng Rebolusyon ng 1896 na dumurog sa pananakop ng kolonyalistang Espanyol, ng armadong paglaban ng HUKBALAHAP na siyang tunay dumurog sa imperyalistang Japan, ang masang Pilipino ay dapat na sumalig sa sarili nitong hukbong bayan upang makamit ang kalayaan at soberanya ng bansa.
Sa panahong ramdam na ramdam ng masa ang direktang epekto ng krisis ng imperyalismo sa kanilang buhay, tungkulin nating mga rebolusyonaryo na imulat, iorganisa at pakilusin sila upang iabante ang pakikibakang masa at armadong rebolusyon upang ibagsak ang imperyalismo at ang papet nitong rehimeng Marcos.
https://philippinerevolution.nu/statements/mamamayang-ilokano-magkaisa-labanan-ang-balikatan-2024-ipaglaban-ang-seguridad-at-soberanya-ng-bansa-laban-sa-paghahanda-sa-gera-ng-mga-imperyalista/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.