Political Officer
Cagayan Valley Regional Operational Command (Fortunato Camus Command)
New People's Army
January 16, 2024
Sa kabila ng kaliwa’t kanang pagkokoro ng mga heneral at ng mismong suntok sa buwan na anunsyo ni Marcos Jr na wala nang mga aktibong larangang gerilya sa buong bansa, tuluy-tuloy pa rin naman ang deployment ng mga bagong pwersa ng AFP sa mga prubinsya at komunidad sa kanayunan. Dagdag ang mga ito sa dati nang mga pwersa na hanggang ngayon ay walang-puknat pa ring naglulunsad ng mga focused military operations at okupasyon sa mga baryo sa tabing nga retooled community support program.
Sa katunayan, nitong Enero 16 lamang ay nagkaroon ng send-off ceremony sa higit 100 bagong sundalo ng 5th Infantry Division na ipapakat sa iba’t ibang prubinsya upang “tuluyang masugpo ang insurhensiya sa buong nasasakupan ng 5th ID” kabilang na ang Cagayan Valley. Taliwas ito sa mga pagmamayabang ni MGen Audrey Pasia, kumander ng 5th ID, noong nakaraang Disyembre na “wala nang kakayahang” maglunsad ng pulitiko-militar na gawain ang NPA sa rehiyon at tinatanaw na nila ang “total victory” laban sa BHB-CV ngayong unang bahagi ng taon.
Ilang araw lang din bago nito, nagpahayag ang Northern Luzon Command (Nolcom) na magtutuluy-tuloy pa rin ang kanilang security operations and security engagements ngayong taon. Mismong inamin ng Nolcom na hindi sila nagpapakampante sa sinasabi nilang mga “natitirang” myembro ng NPA na posible pa ring makapaglunsad ng mga rebolusyonaryong gawain.
Batid ng mamamayan na hungkag ang mga deklarasyong ito ni Marcos Jr at ng AFP. Desperadong hakbang lamang ito at konswelo de bobo sa mga heneral upang pahupain ang tunggalian at bitak sa loob ng AFP na nagpaplanong maglunsad ng kudeta laban sa kanya.
Sa halip na mas paghandaan at pagtuonan ng pansin ang pagtatanggol sa bansa laban sa umiigting na armadong komprontasyon ng US at China, ang rebolusyonaryong kilusan at NPA pa rin ang pokus ng AFP.
Nananatiling matatag ang mga yunit ng BHB sa Cagayan Valley sa kabila ng mga tinamong pinsala at mga pag-atras sa nakaraang mga taon. Malaki ang naging papel ng kilusang pagwawasto ng PKP upang muling pag-alabin ng rebolusyonaryong diwa at optimismo ng mga kadre at kasapi ng Partido at mga Pulang kumander at mandirigma ng BHB at upang matalinong halawan ng aral ang mga pagkakamali at determinadong biguin ang estratehikong opensiba ng kaaway.
Tinatahak ngayon ng buong rebolusyonaryong pwersa sa rehiyon ang daan para sa pagpapanibagong lakas at muling pagsulong. Nananatiling mataba ang lupa para sa pagkalat ng apoy ng digmang bayan sa Lambak ng Cagayan. Sa pagsahol ng pagdarahop ng mga magsasaka at iba pang demokratikong sektor, nananatiling pangunahing sandata ng mamamayan ang Bagong Hukbong Bayan.
Lipos ang determinasyon ng BHB-Cagayan Valley na maglunsad ng mga aksyong militar batay sa kakayahan at mga pakikibakang masang anti-imperyalista, antipyudal, at antipasistang paglaban lalo na ngayong isa ang rehiyon sa mga pangunahing tatamaan ng El Niño matapos ang magkakasunod na paghagupit ng bagyo at malawakang pagbaha hanggang nitong Disyembre.
Sa mga kanayunan at liblib na lugar, ang BHB at mga ganap na samahang masa bilang binhi ng demokratikong gubyernong bayan pa rin ang masasaligan ng masa dahil magpahanggang ngayon, sa radyo lang naririnig ng mga magsasaka at pambansang minorya ang “kaunlaran” o “ayuda” o “tulong ng rehimeng Marcos.”
https://philippinerevolution.nu/statements/patuloy-na-magpupunyagi-ang-bhb-cagayan-valley/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.