Saturday, July 29, 2023

Kalinaw News: 17IB ng 5ID at NPA, nagkabakbakan

Posted to Kalinaw News Facebook Page (Jul 28, 2023): 17IB ng 5ID at NPA, nagkabakbakan (17IB of 5ID and NPA, clashed)

JUST IN: 17th Infantry Battalion at NPA, nagkasagupaan sa Lasam, Cagayan (17th Infantry Battalion and NPA clashed in Lasam, Cagayan)
Read: https://bit.ly/3qhQgHv



17IB ng 5ID at NPA, nagkabakbakan ((17IB of 5ID and NPA, clashed))

Nakasagupa ng kasundaluhan ng 17th Infantry Battalion sa ilalim ng 502nd Infantry Brigade ang mga miyembro ng Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon Cagayan Valley dakong ala-una ng hapon, Huwebes, Hulyo 27, 2023, sa Barangay Sicalao, Lasam Cagayan.

Ayon sa mga paunang impormasyon, tumugon ang mga kasundaluhan ng 17IB sa impormasyon na naisangguni sa kanila ng isang residente ukol sa presensya ng mga armadong grupo sa nasabing lugar. Agad na nagsagawa ng security operations na nagresulta ng 20 minutong palitan ng putok. Nasa humugit kumulang na 15 na miyembro ng KomProb Cagayan ang nakasagupa ng 17IB na minamanduhan ni Edgar Bautista na mas kilalang si Ka Simoy, kalihim ng West Front Committee ng KomProb Cagayan.

Matapos ang palitan ng putok, narekober ng kasundaluhan ang iba't- ibang matataas na kalibre ng baril at gamit pandigma na kinabibilangan isang M16 rifle, isang M14 rifle, dalawang shut gun ammo, dalawang rifle grenade, 40 rounds ng 7.62 mm, tatlong backpack, tatlong claymore mines, apat na magazine, isang hand grenade at isang commercial radio. Inaalam pa kung may sugatan o nasawi sa panig ng teroristang grupo samantalang walang naiulat na sugatan sa panig ng kasundaluhan.

Ayon kay Ltc Oliver Logan, 17IB Battalion Commander, "Nagpapasalamat tayo sa suporta ng ating kababayan para matugis ang mga miyembro ng KomProb Cagayan. Hindi natin hahayaang makaperwisyo sila sa ginagawa nating Search Rescue and Relief Operations dito sa Cagayan."

Ang bakbakan ay mangyari habang abala sa pag-agapay sa mga LGU upang tugunan ang pangangailangan ng mga Cagayanong apektado ng Bagyong Egay, na kung saan ay sinabi ng mga kasundaluhan na hindi sila titigil upang tugisin ang mga teroristang CPP-NPA. Courtesy of DPAO, 5ID, PA

May be an image of map and text

https://www.facebook.com/photo/?fbid=726368902834961&set=a.475215681283619&fbclid=IwAR2l48WBIiGwAvHV_I45L4S-xOfnO2Uu8SdWQZ-AIv-r23tIFJFaGe9O-0c

https://www.facebook.com/kalinawnews/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.