May 21, 2023
Tatlong sibilyan ang naiulat na pinatay ng militar na pinalalabas na mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang napatay sa pekeng mga engkwentro nitong nagdaang linggo sa Visayas. Pinakahuli sila sa mga sibilyang sadyang pinatay sa brutal na paghahabol ng militar ng “estratehikong tagumpay” laban sa BHB.
Sa Samar, hustisya ang sigaw ang mga kaanak nina Joel Balading Recare at Oscar Alastoy, mga chainsaw helper na pinatay ng pulis sa Sityo Ibaliw, Barangay Sangay, Palapag, Northern Samar noong Mayo 5. Hindi mga myembro ng BHB ang dalawa, anila. Mga residente sila ng Barangay Capacujan at nasa lugar dahil naghahanap-buhay. Pinatunayan ito maging ng punong barangay at ibang upisyal ng barangay. Labis ang hinagpis ng pamilya dahil higit 24 oras pa bago dinala ng mga pulis ang mga bangkay sa punerarya.
Sa Bohol, isang buwan nasa kostudiya ng 47th IB ang aktibista at organisador na si Arthur Lucenario bago pinalabas na napatay sa isang “engkwentro” noong Mayo 12 sa Barangay Tabuan, Antequera. Dinukot si Lucenario noong madaling araw ng Abril 14 sa bayan ng San Miguel. Bakas sa kanyang bangkay ang tindi ng tortyur na ipinaranas sa kanya.
Samantala, iniulat kamakailan ng rebolusyonaryong pwersa sa Bohol ang pagpatay ng militar kay Manuel Tinio (Ka Dodie), konsultant sa kapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines. Si Tinio ay pitong beses na pinagbabaril noong Abril 14 ng gabi habang nagmamaneho ng motorsiklo sa hangganan ng San Miguel at Ubay. Para pagtakpan ang krimen, tinaniman ng kalibre .45 ang biktima at sinabing “nanlaban.”
Pag-aresto. Dinakip at di inilitaw ng mga sundalo ng 94th IB ang magsasakang si Allan Ramos sa Sityo Dangalon, Hilamonan, Kabankalan City noong Mayo 11 ng hapon. Pinalalabas ng militar na naaresto si Ramos matapos ang isang engkwentro sa pagitan nila at yunit ng BHB. Ang totoo, pinaulanan ng mga sundalo ang bala ng pamilyang Ramos bago siya damputin.
Samantala, napag-alaman ng mga grupong naghahanap sa mga desaperesidong sina Dexter Capuyan at Gene Roz Jamil de Jesus na sapilitang silang pinasakay sa dalawang sasakyan ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group. Huling nakita ang dalawa noong Abril 28 sa Tanay, Rizal.
Pambobomba. Dalawang magkasunod na insidente ng pambobomba at pag-iistraping ang inilunsad ng 203rd IBde sa Oriental Mindoro noong Abril 29 at Mayo 8.
Unang kinanyon ng mga sundalo ang kabundukan sa hangganan ng Roxas at Mansalay noong Abril 29. Ang naturang panganganyon ay bahagi ng test firing nito sa erya. Nabulabog nito ang 10,870 residente ng mga barangay sa lugar.
Noong Mayo 8, binulabog ng pambobomba at istraping ang Barangay Tawas, Bongabong at Barangay Malo, Bansud. Tinarget ng bomba at istraping ang mga kubo at sagingan ng mga residente.
[Ang Bayan ("The People") is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloco.]
https://philippinerevolution.nu/2023/05/21/pagdukot-at-sadyang-pagpatay-sa-mga-sibilyan-at-di-kombatant/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.