May 17, 2023
Pitong beses na pinagbabaril ng armadong pwersa ng estado ang konsultant sa kapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa prubinsya ng Bohol na si Manuel “Ka Dodie” Tinio noong Abril 14 ng gabi sa mga hangganan ng Barangay La Suerte, Pilar, Bayungan, San Miguel at Lus-ong, Ubay. Nakasakay ng motorsiklo si Tinio nang pagbabarilin ng mga pwersa ng estado. Ayon ito sa pahayag ngayong araw ng Komite ng Partido, Komunista ng Pilipinas sa Isla ng Bohol.
Ayon sa ulat, pinagbabaril siya bandang alas-7 ng gabi habang nagmamaneho. Matagal nang minamanmanan at sinampahan ng gawa-gawang mga kaso si Tinio. Para pagtakpan ang krimen, tinaniman ng armas na kalibre .45 ang biktima para palabasin na isang armadong mandirigma na nakipagpalitan ng putok si Tinio.
Ang pagpatay kay Tinio ay labag sa internasyunal na makataong batas at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Gayundin, paglapastangan ito sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG), kasunduang nangnagalaga sa kaligtasan ng mga konsultant sa kapayapaan, na pinirmahan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas at NDFP.

Kadre ng Partido sa Bohol
Kinilala ng Komite ng Partido sa Bohol ang mga ambag ni Tinio sa rebolusyonaryong kilusan sa isla. “Ipinapaabot namin ang pinakamataas na saludo kay Manuel “Ka Dodie” Tinio, kadre ng Partido, konsultant pangkapayapaan at agriculturist,” pahayag nito.
Ipinaabot din nila sa pamilya at mga kaibigan ni Tinio ang taus-pusong pakikirmay sa pagkamatay niya.
Ayon sa Komite, “malaking kawalan sa rebolusyonaryong kilusan sa Bohol ang pagkamaay ni Tinio.” Subalit anito, ang pagbuhos ng kanyang dugo ay magsisilbing abono sa maraming binhi ng bagong mga rebolusyonaryo mula sa hanay ng masang anakpawis at mga kabataan.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/konsulant-ng-ndfp-sa-bohol-sadyang-pinatay-ng-militar/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.