Spokesperson
Kabataang Makabayan-Southern Tagalog
April 21, 2023
Taos-pusong pagdakila at pagpupugay ang iniaalay ng Kabataang Makabayan – Timog Katagalugan para sa mga rebolusyonaryong martir na sina Ka Laan at Ka Bagong-Tao. Hindi maikubling pagkamuhi at nag-aalab na galit naman ang aming tanging maibabato sa mga duwag at hungkag ang kaluluwang naghaharing-uri, kasama ang kanilang mga papet na militar.

Ang istorya ng pakikibaka at kadakilaan nina Ka Laan at Ka Bagong-Tao ay isang istoryang malapit sa aming mga kabataan. Sina Kasamang Benito Tiamzon (Ka Laan) at Kasamang Wilma Austria (Ka Bagong Tao) ay nagsimula bilang mga progresibong kabataan sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Nagkakilala noon bilang mga mag- aaral sa Jose Rizal High School, nagpatuloy ang kanilang ugnayan nang sila ay makapasok sa pamantasan noong Dekada ‘60 at hanggang sa maging mga manunulat sa pahayagang Philippine Collegian. Habang sila ay nagpapakadalubhasa sa pamantasan, kasabay nito ay parehas din silang naging mga tagapamandila ng malayang pamamahayag at nang lumaon ay naging mga miyembro din ng iba’t ibang pambansang-demokratikong samahang kabataan.
Pagkalipas ng ilang taon, kanilang napagtanto na ang kanilang pagsisilbi sa sambayanan bilang mga progresibong kabataan sa loob ng pamantasan ay hindi sapat para sa kanilang hinahangad na pambansang pagpapalaya. Mula sa kanilang aktibong pakikibaka sa lungsod ng Maynila, sila ay nakipamuhay sa Cebu noong 1974 at doon nagsimulang mag-organisa sa hanay ng mga manggagawa. Bilang mga kadreng tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin, sila ay nagsilbing mga punla ng rebolusyon sa bahaging ito ng bansa. Nagpatuloy lamang ang kanilang pagpapakalat ng punla ng rebolusyon hanggang sa taong 1976, inihalal bilang kalihim at pangalawang kalihim ng buong Eastern Visayas sina Ka Laan at Ka Bagong-Tao.
Nagpatuloy lamang ang kanilang masikhay na pagkilos hanggang sa pagdating ng Batas Militar ng rehimeng US-Marcos Sr. Sa mga panahong ito, naging armas ng Partido ang pamumuno ni Ka Laan sa Eastern Visayas at ni Ka Bagong-Tao sa Central Luzon at siyang naging susing sangkap ng paglakas ng armadong pakikibaka sa pambasang lebel. Hanggang sa sumunod na mga dekada at sa nagdaang Rehimeng US-Duterte, hindi naging hadlang ang kanilang edad at anumang pisikal na limitasyon sa kanilang masikhay na paggampan sa mga gawain. Nagsilbi sina Ka Laan bilang mga miyembro ng Komite Sentral at parte ng mga namumunong organo ng Partido hanggang sa ikalawang Kongreso nito noong 2016. Nang sila ay makalaya mula sa pagkakadakip noong 2016 at naging mga Peace Consultants sa usapang pangkapayapaan, ni minsan ay hindi sila nagpakita ng takot o anumang pag- aalinlangan sa harap ng mga kaaway. Laksa-laksa mang mga pasistang tropa ang paulanin at daan-daang milyong piso pa ang sayangin ng pasistang estado ay hindi sila nagpagapi at lalo lamang humigpit ang pagtangan sa kawastuhan ng Partido.
Ang pagkamatay man nina Kasamang Laan at Kasamang Bagong-Tao sa kamay ng militar ay isang mapait na pangyayari sa Partido ngunit ang kanilang buhay at karanasan ang siyang magpapatuloy sa nag-aalab na rebolusyonaryong mithiin ng Kabataang Makabayan. Ang kanilang mga aral at kontribusyon una, bilang mga progresibong kabataan na siyang dapat pamarisan ng bawat Kabataang Makabayan, hanggang sa kanilang hindi-mapapantayang tungkulin bilang mga haligi ng Partido at Bagong Hukbong Bayan, modelo sina Ka Laan at Ka Bagong-Tao ng mga tunay na bayani ng sambayanang Pilipino.
Palagablabin at ikalat ang apoy ng digmang bayan! Dakilain ang mga martir, paglingkuran ang sambayanan! ##
https://philippinerevolution.nu/statements/ka-laan-at-ka-bagong-tao-mga-martir-ng-sambayanan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.