Tuesday, March 14, 2023

Kalinaw News: Nasawing NPA sa nangyaring engkwentro sa Balbalan Kalinga nakilala na; labí iniuwi na ng kanyang pamilya

From Kalinaw News (Mar 13, 2023): Nasawing NPA sa nangyaring engkwentro sa Balbalan Kalinga nakilala na; labí iniuwi na ng kanyang pamilya (NPA casualty in the Balbalan Kalinga encounter has been identified; his family has already brought him home) (By Jonathan Blanco)



CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela- Napagkilanlan na ang namatay na miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo matapos kumpirmahin ng kaniyang pamilya kahapon, ika-11 ng Marso taong kasalukuyan.

Kinilala ang nasawing NPA na si Onal Osias Balao-ing alyas Beran. Siya ang Commanding Officer ng Rehiyon Yunit Sentro ng Ilocos-Cordillera Regional Committee.

Matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng tropa ng 50th Infantry Battalion at ng Komiteng Larangan Guerilla-Baggas at RSDG, narekober ng kasundaluhan ang wala ng buhay na katawan ni alyas Beran at dinala sa isang punerarya sa Tabuk City, Kalinga.

Agad namang nakipag ugnayan ang kasundaluhan katuwang ang LGU Balbalan sa kaanak ng nasawing NPA sa tulong na rin ng mga former rebels. Tumungo sa punerarya ang naturang mga kamag-anak at dito na kinumpirma ang pagkakakilanlan ng NPA.

Lubos ang pakikidalamhati ng hanay na kasundaluhan at ng buong Provincial Task Force- End Local Communist Armed Conflict ng Kalinga sa walang pakundangang pananamantala ng komunistang teroristang ICRC sa mga miyembro ng Indigineous People sa Cordillera. Nawa’y magpatuloy ang pakikiisa ng mga Kailyan sa Cordillera para mahuli at mapuksa ang mga natitirang miyembro ng ICRC.

Matatandaan, na noong ika-9 ng Marso sumiklab ang engkwentro sa pagitan ng 50IB at teroristang grupo sa Sitio Babacong, Barangay Gawaan, Balbalan, Kalinga na kung saan narekober din ang dalawang mataas na uri ng baril at mga subersibong dokumento. Resulta ito ng impormasyon galing sa mga mamamayan ng Balbalan.




[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/nasawing-npa-sa-nangyaring-engkwentro-sa-balbalan-kalinga-nakilala-na-labi-iniuwi-na-ng-kanyang-pamilya/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.