Thursday, March 16, 2023

CPP/NPA-Mindoro: 2 SAF, patay sa matagumpay na aktibong depensa ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Mar 16, 2023): 2 SAF, patay sa matagumpay na aktibong depensa ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (2 SAF, dead in successful active defense of Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro)
 


Madaay Gasic
Spokesperson
NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

March 16, 2023

Dalawang (2) pwersa ng Special Action Force (SAF) ng PNP-MIMAROPA ang nasawi matapos ang isinagawang aktibong depensa ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) laban sa isang kolum ng nakapokus na operasyon ng 10tn Special Action Force Battalion at 203rd Brigade sa Sitio Naksib, Brgy. Sta Cruz, bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro noong Marso 15, 2023, sa ganap na 02:30 ng hapon. Walang kaswalti sa hanay ng mga Pulang mandirigma na ligtas na nakaatras matapos ang limang minutong pakikipagpalitan ng putok sa nananalakay na kaaway.

Isa itong matagumpay na kontra-atake sa gitna ng mas masinsin at mabangis na atake ng FMO at RCSPO ng berdugong AFP-PNP-MIMAROPA. Bago pa man maganap ang labanan, halos isang buwan nang walang patid na naghahalihaw sa kabundukan at naghahasik ng teror ang mga pulis at sundalo sa mga mamamayan ng Bongabong at Bansud. Kabi-kabilaan na ang naitatalang mga paglabag sa karapatang pantao, pinakatampok dito ang walang pakundangang pagkakampo ng pasistang tropa ng 10th SAB sa Mindoro State College of Agriculture and Technology (MinSCAT) at tatlo pang ibang eskuwelahan sa Bongabong, dagdag pa sa mga pamayanan at barangay hall na ginagawang kampo-militar ng mersenaryong pulis at militar.

Ang aktibong depensa ng LDGC ay patunay lamang ng mataas na determinasyon ng mga Pulang mandirigma na biguin ang hibang na pangarap ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II na wakasan ang rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan sa isla. Ipinagbubunyi ng mamamayang Mindoreño ang matagumpay na bigwas ng rebolusyonaryong hukbo laban sa mga palalong kaaway na malaon nang nagpapahirap sa kanila. Lalo lamang nitong tinutulak ang mamamayan na suportahan at pakamahalin ang BHB, ang tunay na hukbo ng mamamayang api na lumalaban para sa kanila.

Sa pagtindi ng krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan, ubos-kayang bibiguin ng Pulang hukbo ng LDGC ang imbing pakana ng reaksyunaryong estado na durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa isla. Tangan ang di magagaping diwa, nakahanda ang mga Pulang mandirigma ng LDGC na isulong ang mas masinsin at malaganap na pakikidigmang gerilya upang ipagtanggol at ipaglaban ang interes ng mamamayang Mindoreño, mag-ambag sa paglakas ng rebolusyonaryong paglaban ng mamamayang Mindoreño, at iabante sa mas mataas ang digmang bayan hanggang sa makamit ang tagumpay!

Mabuhay ang darating na ika-54 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!
Mamamayang Mindoreño, mag-armas, sumapi sa BHB!

https://philippinerevolution.nu/statements/2-saf-patay-sa-matagumpay-na-aktibong-depensa-ng-lucio-de-guzman-command-npa-mindoro/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.