Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
March 09, 2023
Nananawagan ang Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate sa mga Masbatenyo, laluna sa mga mamamayan ng Mobo na alisin ang takot at sama-samang labanan ang panibagong atakeng militar sa kanilang bayan. Nagsisilbi ang muling pagsasailalim ng Mobo sa okupasyong militar para bigyang-daan ang pagpapalawak ng operasyon ng dambuhalang minang Filminera – Masbate Gold Project.
Tiyak na layunin ng militarisasyon sa ilalim ng Retooled Community Support Program (RCSP) ang pagpapalayas sa mga komunidad na sasaklawin ng ekspansyon ng Filminera. Sa katunayan, inaasahang hindi lang ang bayan ng Mobo ang pupuntiryahin ng mga okupasyong militar kundi pati mga karatig-bayan nito. Hindi lingid sa publiko ang matagal nang interes ng Filminera na minahin ang bulubunduking bahagi ng ikalawang distrito ng Masbate.
Ang AFP-PNP-CAFGU ang pinakamalaking private army ng malalaking dayuhan at lokal na korporasyon. Militar at pulis ang ginamit sa pagpapalawak ng negosyong rantso ni Gov. Antonio T. Kho. Nilunod din sa operasyong militar ang mga baryong sasaklawin ng ekoturismong Empark para pilitin ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang lupa.
Batid ang pagtutol ng masa, tiyak walang sasantuhin ang Filminera sa agresibo nitong pakanang magpalawak ng operasyon. Sa katunayan, malamang ay naplantsa na ng Filminera ang awayan ng ilang matataas na upisyal ng lokal na gubyerno at militar sa prubinsya sa hatian ng kikbak kaya nabigyan na ito ng buwelo para sa eksplorasyon.
Batid ang perwisyo at teror na hatid ng naunang dinanas na militarisasyon sa ilalim ng RCSP, hindi dapat pumayag ang mga mamamayan ng Mobo na maulit ang kalupitang sinapit mula sa kaaway.
Lalong hindi dapat pumayag ang mamamayang Masbatenyo na makapagpalawak pa ng pinsala ang Filminera. Sa higit dekadang operasyon, ilang metriko tonelada at daan-daang bilyong halaga ng ginto at pilak ang dinambong ng malaking kumpanya ng mina subalit nananatili pa rin ang Masbate bilang isa sa pinakamahihirap na prubinsya sa buong bansa.
Kapalit ng takot ay ang pagkapatag ng ating mga bundok, pagkakalbo ng ating mga kagubatan, pagkalason ng ating mga tubig at pagkawala ng ating mga sakahan at pangisdaan.
Nananawagan ang Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan sa mga yunit na nakapailalim dito at sa mga rebolusyonaryong organisasyong masa na pangunahan ang laban at gawin lahat ng makakaya upang gabayan ang masa sa puspusang pagkilos at paglaban sa tumitinding atakeng pasista at neoliberal sa Masbate. Sa laban para sa ating kalikasan, kabuhayan at kinabukasan, walang ibang landas na dapat tahakin ang mamamayang Masbatenyo kundi ang digmang bayan.#
https://philippinerevolution.nu/statements/muling-pagragasa-ng-militarisasyon-sa-bayan-ng-mobo-para-sa-ekspansyon-ng-dambuhalang-minang-filminera/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.