Katipunan ng mga Gurong Makabayan (Kaguma)
National Democratic Front of the Philippines
March 09, 2023
Nakikiisa ang mga rebolusyonaryong guro at kawaning akademiko sa ilalim ng Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA) sa paglaban ng mga tsuper at buong sambayanan laban sa kontra-mahirap at kontra-mamamayang Public Utility Vehicle Modernization Program na sinusulong ng pangkating Marcos-Duterte. Ipinapaabot ng KAGUMA ang taas-kamaong pagpupugay sa matagumpay na tigil-pasada na ikinasa nitong Marso 6, 2023 na muling nagpatunay sa lakas ng sama-samang pagkilos ng mamamayan.
Mula sa pagbibingi-bingihan, naitulak ng militanteng pagkilos ng mga tsuper at mainit na suporta ng mamamayan ang rehimeng Marcos na harapin ang mga makatarungang panawagan ng sektor ng transportasyon. Habang kinakailangan ang patuloy na pagbabantay at paggigiit upang tuluyang maibasura ang programang i-phase out ang mga jeepney, naitulak ng mga tsuper at mamamayan ang rehimeng Marcos na isama ang mga tsuper, opereytor, komyuter, at iba pang apektadong sektor sa pag-rebyu ng naturang patakaran.
Isa itong malaking sampal sa makapal na mukha ng nag-aastang diktador na si Bise-Presidente Sara Duterte na gamit ang tsapa bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) ay walang habas at paulit-ulit na nang-redtag at nanakot sa mga tsuper na lumahok sa tigil pasada at sa mga makabayan at progresibong guro na nagpahayag ng suporta sa pagkilos. Sa kanyang mga wala-sa-hulog na pagpahayag na “walang saysay” at “mala-komunista” ang tigil-pasada, muling pinapakita ni Sara ang kanyang tunay na kulay. Pasistang tapang-tapangan lang laban sa mahihirap ang alam ng utak-pulburang Duterte: Walang malasakit sa mga suliranin ng masang Pilipino. Walang pinagkaiba sa kanyang tatay na dati nang nagpahayag sa mga tsuper na “wala akong paikalam kung magutom kayo.”
Ginawa pang palusot ni Sara Duterte ang diumano’y epekto ng tigil-pasada sa pag-aaral ng kabataan. Ngunit sa katunayan, alam ng mga guro at taumbayan na ang kanyang mga pasistang hakbangin sa DepEd ang tunay na humahadlang sa pagtamasa ng kabataang Pilipino ng dekalidad at makabuluhang edukasyon. Payo namin sa KAGUMA kay Sara: sa halip na sisihin pa ang tigil-pasada, tingnan niya muna ang sarili sa salamin. Tigilan ang mga walang katuturang pagwawaldas ng intel funds para sa DepEd at pagpupumilit sa mandatory ROTC at sa halip ay unahing bigyang-pansin ang hikahos na kalagayan ng mga guro at ng sektor ng edukasyon.
Sa huli, sa bawat kaso ng pananakot at panunupil ng mga tulad ni Duterte ay higit na naipapamalas sa taumbayan ang pagiging makatarungan ng paghihimagsik laban sa isang bulok na sistemang mga naghaharing uri lamang tulad ni Duterte ang nakikinabang. At sa bawat tagumpay na nakakamit sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ay higit na nakikintal ang gintong aral ng kahalagahan ng pagkakaroon ng organisadong lakas at militanteng pagkilos sa landas ng pambansa demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba.
Mabuhay ang tigil-pasada!
Mabuhay ang tagumpay ng sambayanang lumalaban!
Tuloy ang laban!
https://philippinerevolution.nu/statements/tagumpay-ng-militanteng-sama-samang-pagkilos-pagpupugay-ng-kaguma-sa-matagumpay-na-tigil-pasada/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.