Friday, February 3, 2023

Kalinaw News: Mga nakatagong gamit pandigma at sangkap sa paggawa ng Improvise Explosive Device (IED), isiniwalat ng isang mataas na lider ng NPA

Posted to Kalinaw News (Jan 25, 2023): Mga nakatagong gamit pandigma at sangkap sa paggawa ng Improvise Explosive Device (IED), isiniwalat ng isang mataas na lider ng NPA (Hidden weapons of war and ingredients for the manufacture of Improvised Explosive Device (IED), disclosed by a senior NPA leader)



Noong ika-20 ng January 2023, bilang pagpapatunay ng kanyang sinseridad sa kanyang pagbabalik-loob sa lipunan, kusang-loob na isiniwalat ng isang mataas na lider ng CPP-NPA ang mga nakatagong kagamitang pandigma o “arms cache” ng kanyang grupo at ilang sangkap sa paggawa ng bomba sa pagsisikap ng 4th Infantry (Scorpion) Battalion sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Jeriko Roman Sasing.

Ang nasabing “arms cache” ay naglalaman ng isang (1) 2.2 pounds IED, tatlong (3) generator set, limang (5) empty box ng IED, isang (1) blasting cap, isang (1) electronic tester, dalawang (2) M14 magazines, isang (1) ICOM charger, tatlong (3) long detonating cord at tatlong (3) NPA T-shirt sa Sitio Buswak, Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro.

Matatandaang mariing ipinagbabawal ng United Nations Organization (UNO) ang walang habas na paggamit ng anumang uri ng explosive weapons, kabilang dito ang IED, laban sa direktang military target o combatant. Ipinagbabawal din ang paggamit ang IED sa anumang uri ng operasyong militar sa ilalim ng International Humanitarian Law (IHL) dahil ang resulta nito ay hindi makatao at walang pinipiling casualty, maging sibilyan man o military.

Ang boluntaryong pagsuko ng nasabing rebelde ay batay sa tiwala at sinseridad na ipinapakita ng kasundaluhan sa mga nais magbalik-loob sa pamahalaan. Ang mapayapa at matagumpay na negosasyon sa pagitan ng nasabing NPA lider at mga alagad ng gobyerno ay patunay na ang programang pangkapayapaan ng ating pamahalaan ay epektibo. Ang AFP, PNP, LGU at iba pang ahensya ng gobyerno ay laging bukas para sa sino mang rebelde na gustong magbalik-loob sa ating pamahalaan.

Samantala, gustong ipaabot ni Brigadier General Jose Augusto V Villareal PA, Commander ng 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade sa mga natitirang kasapi ng NPA na magbalik loob na sa pamahalaan upang magkaroon ng mapayapang pamumuhay sa ilalim ng paggabay ng gobyerno gamit ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) kung saan ang isang miyembro ng rebeldeng grupo na nagbalik-loob ay may matatanggap na agarang tulong pinansyal, remuneration ng baril na ang halaga ay nakabatay sa kondisyon ng armas na isusuko at iba’t-ibang benepisyo mula sa gobyerno upang magsimulang muli ng isang maganda at marangal na buhay kapiling ang kanilang pamilya.

Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/mga-nakatagong-gamit-pandigma-at-sangkap-sa-paggawa-ng-improvise-explosive-device-ied-isiniwalat-ng-isang-mataas-na-lider-ng-npa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.