Spokesperson
NPA-Southern Panay
Panay Regional Operational Command
New People's Army
February 19, 2023
Ang Napoleon Tumagtang Command, New People’s Army – Southern Panay ay nagnanais na ipaabot ang sumusunod na mga punto:
Una, lubos naming pinasasalamatan ang Zarraga News Live Station (ZNLS) sa pagkakataong ma-inteview si Ka Aurora Malaya, NTC Public Information Officer sa iba’t ibang isyu kaugnay sa rebolusyonaryong kilusan. Kasabay nito, nagpapasalamat din kami sa daan libong netizens na nakikinig sa aming pahayag pabor man o dispabor sa nilalaman nito.
Ikalawa, dismayado kami na na-delete o ipina-delete ang dalawang audio-videong pahayag ni Ka Aurora Malaya, ng kung sinuman dahil nag-viral ito sa motibo na sagkaan ang patas na pamamahayag at kontrolin ang media. Kasunod nang pagka-delete, nagpa-interbyu si Jefrey Celis alyas Erick Almendras na nang-iintriga sa rebolusyonaryong kilusan at ini-intimidar ang NTC PIO na si Ka Aurora Malaya.
Hindi namin kailangang bumaba sa lebel ni Almendras at pumatol sa kanyang linya ng pag-iisip dahil malinaw namang propagandista siya ng naghaharing uri, ng teroristang estado at ng NTF- ELCAC. Natural lang sa isang tuta na tumahol para depensahan ang kanyang amo. Lohikal din na maglalako ng reaksyunaryong linya ang katulad niya dahil nakatali at hawak ng reakyunaryong estado ang kanyang buhay at kabuhayan. Kaya aksaya na lang ng panahon ang pagpatol na masagot siya punto por punto. Sa halip, para magkaroon ng basehan ang sambayanan sa pagtimbang ng kawastuhan o kredibilidad ng kanyang ipinagtatalak, ipakikilala namin ang ilang background ni Jefrey Celis.
Totoo na sa isang bahagi ng kanyang buhay nakapag-ambag siya sa rebolusyonaryong pakikibàka. Ngunit ang kontribusyong ito ay nalunod nang bumaliktad siya ng 360 degrees at nagtraidor sa interes ng masang anakpawis at nagpagamit sa reaksyunaryong estado.
Matapos tumalikod sa kilusan, lihim na sumurender siya sa pamamagitan ng dating Department of Justice Secretary at dating Iloilo City Congressman Raul Gonzales. Kasunod nito naging assistant on political affairs at spokesperson siya ng dating opposition Mayor ng Iloilo City na pinag-initan at binansagang druglord ni Duterte. Kabilang si Jefrey na binansagan at na-wanted kaugnay sa droga. Nang lumaganap na ang kaso ng pagtokhang at pamamaslang, biglang nawala si Celis sa Panay at lumutang sa anino ni Erick Almendras nang inilunsad ang NTF -ELCAC. Tumahol nang tumahol ng reaksyunaryong linya ng terorista at pasistang Rehimeng Duterte at ng Rehimeng Marcos II na parang asong ulol.
In a simple analysis, ibinenta ni Jefrey ang adhikain ng api’t pinagsasamatalahang mamamayan para makapagpasilong sa militar kapalit ng kaseguruhan ng kanyang buhay laban sa tokhang at katiyakan ng kanyang kabuhayan.
Ironically, sa likod ng pag-aastang matapang at pagmamarunong, si Jefrey Celis ay matakutin sa ilang simpleng bagay lamang kagaya ng dilim, ng tuko at sa labanan. Wala ni kahit isang pagkakataon na sumabak siya sa labanan.
Pinauubaya na lang namin sa malawak na sambayanan ang mag-isip-isip at maghusga ayon sa kasaysayan at paninindigan ni Jefrey Celis. Naniniwala kami na marunong, analitikal at kritikal ang malawak na masang Panayanon.
https://philippinerevolution.nu/statements/masa-na-ang-maghuhusga/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.