From the Mindanao Examiner (Dec 16, 2022): 44 BIFFs sumuko sa militar (44 BIFFs surrendered to the military)
KIDAPAWAN CITY – Umabot sa 44 mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, kabilang ang kanilang commander, ang sumuko sa militar sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato.Ang mga sumukong BIFFs.
Kinumpirma rin ito ng 6th Infantry Division at sinabing sa grupo ng 90th Infantry Battalion boluntaryong sumuko ang mga rebelde kamakailan lamang.
Kabilang sa mga sumuko ay apat na sub-leaders at pitong bomb experts. Isinuko rin ng grupo ang 34 na iba’t-ibang armas at mga bala, ayon kay Lt. Col. Rommel Mundala, ang battalion commander.
“Napagtanto nila na panahon na para talikuran ang kanilang ipinaglalaban at nais na nilang mamuhay ng normal kasama ang kanilang mga pamilya,” ani Mundala.
Naging posible ang pagbalik-loob ng mga rebelde sa pagsisikap ng mga kasundalohan, ayon naman kay Col. Donald Gumiran, commander ng 602nd Infantry Brigade.
“Ang pagsuko ay resulta ng joint effort ng 90th Infantry Battalion at ng mga intelligence unit na naka-deploy sa lalawigan,” wika pa ni Gumiran.
Isasailalim naman sa proseso ang enrolment ng mga rebelde sa reintegration program ng gobyerno, paniguro ni Maj. Gen. Roy Galido, ang division commander. “Their documents will also be processed for enrolment in the reintegration program of the government,” sabi pa ni Galido. (Mindanao Examiner)
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/2022/12/44-biffs-sumuko-sa-militar.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.