Sunday, August 21, 2022

Kalinaw News: 2 Miyembro ng CTG Patay, Ilang mga Armas Narekober sa Engkwentro sa Masbate

From Kalinaw News (Aug 20, 2022): 2 Miyembro ng CTG Patay, Ilang mga Armas Narekober sa Engkwentro sa Masbate (2 CTG Members Dead, Several Weapons Recovered in Masbate Encounter)




Camp Elias Angeles, Pili, Camarines Sur – Patay ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos na maka-engkwentro ang tropa ng 2nd Infantry Battalion sa Barangay Piña, San Jacinto, Masbate, nitong Biyernes, Agosto 19.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si alyas Adan ng San Fernando, Masbate habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng kasamahan nito.

Ayon kay Lt. Col. Orlando Ramos Jr, Commanding Officer ng 2IB, nakatanggap ng sumbong ang kanilang tropa tungkol sa presensiya ng mga Communist NPA Terrorist (CNT) sa lugar at agad itong pinuntahan.

Habang papalapit ang tropa sa lugar, bigla na lamang silang pinaputukan ng dalawang CNT na nauwi sa palitan ng putok at tumagal ng halos sampung minuto na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito.

Samantala, ilang armas naman ang nakuha sa mga NPA na kinabibilangan ng isang M16 rifle at isang kalibre 45.


Nalulungkot man sa pagkamatay ng mga miyembro ng CTG, ngunit binigyang-diin pa rin ni BGen. Aldwine Almase, Commander ng 903rd Infantry Brigade ang mandato ng tropa ng gobyerno na protektahan ang mga mamayan lalong lalo na ang mga nasasakupan nito dito sa Bicol.

Kaugnay nito, ikinagagalak ni Major Alex Luna, Commander ng 9th Infantry (SPEAR) Division at Joint Task Force Bicolandia, ang tuloy-tuloy na pakikipagtulungan ng mga Bicolano sa pamahalaan lalong lalo na sa mga otoridad na siyang patotoo ng pagnanais ng mga ito na matuldukan na ang ilang dekadang problema sa insurhensiya. Gayundin ang positibong resulta ng koordinasyon ng PNP at Philippine Army matapos ang magkakasunod na engkwentro sa Camarines Sur at Sorsogon nito lamang buwan.

“Kami po ay nagagalak sa pagiging aktibo ng mga Bicolano sa pagpa-paabot ng mga impormasyon. Ramdam po namin ang inyong kagustuhan na matuldukan na ang tunggalian na ito, at ganoon din po kami. Kaya nga po hindi kami napapagod na makiusap at manawagan sa mga CTG members na sumuko na lamang at makiisa sa pamahalaan upang makamit na natin ang tunay na kapayapaan, ayaw na rin po namin ng ganitong mga pangyayari,” ani MGen Luna.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/2-miyembro-ng-ctg-patay-ilang-mga-armas-narekober-sa-engkwentro-sa-masbate/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.