Ang Bayan Daily News & Analysis propaganda articles posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 25, 2022): Pagpapatuloy ng imbestigasyon ng ICC, napapanahon at kinakailangan (Continuation of the ICC investigation, timely and necessary)
June 25, 2022
Ikinalugod ng grupong Rise Up ang desisyon ng international Criminal Court na ipagpatuloy ang pormal na imbestigasyon sa mga krimen laban sa sangkatuhan ni Rodrigo Duterte at mga kasapakat kaugnay sa madugong “gera kontra-droga” ng kanyang rehimen. Tinapos nito ang pansamantalang pagpapaliban na noo’y hiningi ng gubyerno ng Pilipinas.
Ayon sa ICC, nakita nitong hindi seryoso ang gubyerno ni Duterte na tugunan ang panawagan para sa hustisya ng mga biktima ng huwad na gera. Isinuspinde ng ICC ang imbestigasyon nito noong Nobyembre 2021. “Matapos ang maingat at masusing pagrepaso sa lahat ng mga impormasyon na isinumite ng Pilipinas, gayundin ng mga impormasyong pampubliko…nakita kong hindi nararapat ang pagpapaliban na hinihingi ng Pilipinas, at na dapat magpatuloy ang imbestigasyon sa pinakamaagang panahon,” ayon kay Karim Khan, ang prosekyutor sa kaso.
“Nababagay” ang pagpapatuloy sa imbestigasyon bilang “huling regalo” sa papatapos na termino ni Duterte bilang presidente, ayon sa pahayag ng Rise Up ngayong araw, Hunyo 25. Isinapubliko ng ICC ang desisyon kahapon.
“Tulad ng ibang mga kaso sa ICC, naisasapanganib ng sobrang nagtatagal na mga imbestigasyon ang pagkamit ng hustisya at pananagutan para sa pinakakahindik-hindik na mga krimen,” ayon sa mga abugado ng grupo. “Isa itong malaking usapin lalupa’t sumasang-ayon at nangako pa ang administrasyong Marcos-Duterte na ipagpatulloy ang mga patakaran ni Duterte sa droga.”
“Nasisiyahan” ang mga biktima at kanilang mga abugado sa sistematiko at metikulosong pagsusuri ng ICC sa mga dokumentong isinumite ng gubyerno ng Pilipinas sa korte. Sang-ayon sila sa kongklusyon ng prosekyutor ng korte na “walang indikasyon na inimbestigahan ng gubyerno ng Pilipinas ang anumang padron ng kriminalidad o sistema nito, kabilang yaong malamang na pinakaresponsable sa pagbubuo o pagpapatupad ng isang patakaran.”
Ang Rise Up ay binubuo ng mga pamilya ng mga biktima na nagsampa ng kaso sa ICC. Kinakatawan sila nina Atty. Neri Colmenares at Atty. Maria Kristina Conti, mga abugado mula sa National Union of Philippine Lawyers.
Tulad ng Rise Up, ikinalugod din ng mga organisasyon sa karapatang-tao ang muling pagbubukas ng ICC sa imbestigasyon.
https://cpp.ph/angbayan/pagpapatuloy-ng-imbestigasyon-ng-icc-napapanahon-at-kinakailangan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.