Propaganda statement posted to PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Apr 2, 2022): Sa ika-53 anibersaryo ng NPA: Mamamayan at NPA-ST, determinadong nagsusulong ng digmang bayan (On the 53rd anniversary of the NPA: Citizens and NPA-ST, determined to advance people's war)
ARMANDO CIENFUEGO
SPOKESPERSON
NPA-SOUTHERN TAGALOG
April 2, 2022
Buong kasiyahang ipinagdiwang ng mamamayan ng TK at mga yunit ng Melito Glor Command – NPA ST ang ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag ng NPA nitong Marso 29 habang hinaharap ang hibang na kontra-rebolusyonaryong panunupil ng desperadong rehimeng Duterte.
Sa okasyong ito, idineklara ng MGC ang kabiguan ng rehimeng Duterte at AFP-PNP sa pamamagitan ng Southern Luzon Command na igupo ang armadong paglaban ng mamamayan sa TK.
“Nanlulumo ngayon ang mga pasista at ang kanilang pinunong si Duterte dahil batid nilang nananatili at patuloy na nagpapalakas ang NPA sa kabila ng kanilang maruruming taktika at paggastos ng bilyun-bilyong piso sa mga operasyon, modernong armas at pabuya sa mga sundalo. Totoong dumaan ang NPA sa mahirap na pakikibaka sa nagdaang mga taon, pero naigpawan ito ng mga Pulang kumander at mandirigma at naging pandayan pa ng kanilang paninindigan at kakayahan sa digma. Higit sa lahat, lalo nitong pinatibay ang ugnayan ng NPA sa masang anakpawis,” ani Armando Cienfuego, tagapagsalita ng MGC-NPA ST.
Patunay nito, daan-daang mamamayan ang nagtipon sa mga inilunsad na pulong anibersaryo at simpleng selebrasyon sa Quezon, Rizal, Batangas, Mindoro at Palawan. Sa mga sonang gerilya, magkasama ang NPA at mga magsasaka, kabataan, kababaihan at katutubong mamamayan sa paggunita sa mga tagumpay ng nakaraang 53 taon at pagpaparangal sa mga rebolusyonaryong martir. Sa mga nabanggit na pagdiriwang ay binati at tinanggap sa hukbong bayan ang mga indibidwal na nagpasyang sumapi sa NPA.
Samantala, nagkaroon ng mga lihim na pagtitipon ang mga rebolusyonaryong pwersa sa kalunsuran para magpugay sa mga namartir ng kasapi ng NPA. Muling pinagtibay ang kanilang pagsuporta at pagtataguyod sa armadong rebolusyonaryong pakikibaka.
Nagbigay inspirasyon sa Pulang hukbo ang mga pagbati mula sa iba’t ibang organisasyon at mga rebolusyonaryong organisasyong masa sa lokalidad. Pinataas nito ang kanilang determinasyon na abutin at organisahin ang mas malaking bilang ng mamamayan at magsagawa ng paparaming taktikal na opensiba para bigwasan ang AFP-PNP.
Sa pahayag ni Ka Cleo, tagapagsalita ng Apolonio Mendoza Command-NPA Quezon sa pulong pagdiriwang ng ika-53 anibersaryo ng NPA, “Mahigpit na nagkakaisa ang NPA at ang mamamayan ng Quezon sa pagharap at pagbigo sa todo gerang atake at paghahasik ng teror ng mga pasistang AFP-PNP sa mamamayan. Ang pagkakaisang ito ang tiyak na bibigo sa kontra-rebolusyonaryong gera ng rehimeng US-Duterte.”
“Kailangang ipakita ng Hukbo na hindi ito takot para hindi rin matakot ang masa. Labanan natin ang mga kaaway at agawan sila ng armas! Ito lang ang sagot sa pang-aapi at pagpapahirap ng kaaway sa masa,” mensahe ni Ka Castro, Pulang mandirigma ng Lucio de Guzman Command (LdGC) – NPA Mindoro.
Nauna nang inulat ng NPA Mindoro na 126,000 Mindoreño ang naging biktima ng paglabag sa karapatang tao bunsod ng mga operasyon ng 203rd Brigade at PNP MIMAROPA.
“Higit na pinatindi ng mga krimen ng mga pasista laban sa mamamayan ang makauring pagkamuhi ng Bagong Hukbong Bayan at rebolusyonaryong mamamayan sa mga pasista’t kaaway sa uri. Lalung nasasapol ng LdGC-NPA-Mindoro ang kanyang natatanging halaga sa buhay ng mga Mindoreño at sambayanang Pilipino bilang pangunahing sandata nila upang kamtin ang rebolusyonaryong hustisya, parusahan ang mga pasistang salarin at palayain sila sa kahirapan, pagkabusabos at pagsasamantala,” pahayag ni Madaay Gasic ng LdGC.
Ipinagbunyi rin sa okasyong ito ang mga tagumpay ng MGC laban sa rehimeng Duterte. Mula 2017-2021, nakapaglunsad ito ng 299 taktikal na opensiba at nagdulot ng 626 kaswalti sa AFP-PNP na mahahati sa 327 patay at 299 sugatan. Katumbas ito ng laking batalyong pinsala sa mga pasista.
Ibinahagi ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC) – NPA Rizal na matagumpay itong naglunsad ng apat na aksyong militar noong 2021 kung saan tatlo ay laban sa pasistang 80th IBPA. “Binasag nito ang kasinungalingang ‘aapat na lamang ang NPA sa Rizal’. Ipinakita sa nakaraang taon na kahit na binabaran ng AFP ang mga baryo sa mahabang panahon, pinatunayan ng masa at hukbo na hindi kailanman masisira ang kanilang pagkakaisa,” ani Macario Liwanag ng NAAC.
Ipinahayag naman ng tagapagsalita ng Bienvenido Vallever Command (BVC)-NPA Palawan na si Andrei Bon Guerrero na sa loob ng tatlong taon (2019-2021) ay nakapaglunsad ang BVC ng 14 na matatagumpay na mga taktikal na opensiba na nagdulot ng 28 kaswalti sa mga pasistang militar. Ayon kay Guerrero, “Nakapagpunyagi ang BVC sa gitna ng hagupit at paninibasib ng WESCOM at PNP”.
“Sa harap ng malaking kalamangan ng kaaway sa bilang ng tauhan, kalidad ng mga armas, kagamitang pandigma, rekurso at makabagong teknolohiyang militar, pinatunayan ng maliit at mahinang nasasandatahang mga yunit ng BHB ang superyuridad ng taktikang gerilya na pinaunlad ni Mao at mapanlikhang inilapat sa partikular na kundisyon at tereyn ng ating rehiyon,” pahayag ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa TK.##

Isang Pulang mandirigma sa ilalim ng bandila ng PKP
nagbibigay-pugay ang mga opisyal ng BHB sa PKP
altar para sa mga rebolusyonaryong martir
simpleng handang “halayang bundo” (gabi) mula sa ambag ng masa
nakahanay na Pulang mandirigma ng BHB
Parangalhttps://prwcinfo.wordpress.com/2022/04/02/sa-ika-53-anibersaryo-ng-npa-mamamayan-at-npa-st-determinadong-nagsusulong-ng-digmang-bayan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.