From Radio Mindanao Network (RMN) (Apr 8, 2022): 5 miyembro ng Dawlah Islamiyah na ikinokonsiderang Potential Private Armed Group, sumuko sa PNP sa Tawi-Tawi (5 members of Dawlah Islamiyah considered Potential Private Armed Group, surrender to PNP in Tawi-Tawi) (By RadyoMaN Manila)
Kusang loob na sumuko sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang limang tauhan ng Dawlah Islamiya na nasa listahan ng potential private Armed group sa Brgy. Pag-Asa, Bongao, Tawi-Tawi.
Batay sa report ng Bongao Municipal Police Station, kabilang ang mga ito sa Alvarez group o mas kilala sa tawag na “Seven Dwarf Group” na dating pinamumunuan ni Alrashid Alvarez alias “Al” na nasawi kasama ang kanyang dalawang tauhan sa nangyaring engkwentro noong December 2015.
Isinuko ng mga ito ang isang Caliber .45 pistol, isang magazine na may isang live ammunition at itinurn over sa Bongao Municipal Police Station para safekeeping at proper disposition.
Pinuri naman ni PBGen Arthur R. Cabalona, Regional Director, PRO-BAR, ang lahat ng law enforcement units na nagtulong tulong para maging matagumpay ang pagsuko ng mga ito.
Pagtitiyak ni Cabalona na magtuloytuloy ang kanilang operasyon para mabuwag ang mga armed groups sa kanilang area of responsibility upang mapanatili ang peace and order sa rehiyon hanggang pagsapit ng eleksyon.
https://rmn.ph/5-miyembro-ng-dawlah-islamiyah-na-ikinokonsiderang-potential-private-armed-group-sumuko-sa-pnp-sa-tawi-tawi/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.