Posted to Kalinaw News (Jan 31, 2022): NPA Sectoral Organization Nagbalik-loob sa Gobyerno
Narvacan, Ilocos Sur – Tuluyang nilisan ng 41 myembro ng Kasigudan Aywanan Takderan Binangon di Kabunyan Organization (KATABIKO) ang CPP-NPA-NDF sa isinagawang Oath of Allegiance sa Bunga National School, Bunga, Tadian, Mountain Province noong ika-30 ng Enero 2022.
Sa pamamagitan ng Localized Peace Engagement sa panunguna ng 69th Infantry (COUGAR) Battalion sa isinagawa na Joint Community Support Program ng mga kasundaluhan ng Alpha Company, 69th Infantry Battalion; 2nd Civil-Military Operations (KABALIKAT) Company at 1502nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 15 katuwang ang Local Government Unit ng Tadian, Mountain Province, naisagawa ang pagbabalik loob nila sa gobyerno at pagbasura sa idelohiya ng CPP-NPA na patuloy na sumisira sa mapayapang pamumuhay sa Cordillera.
Pinagtibay ng Cordillera People’s Alliance ang KATABIKO bilang kanilang pundasyon sa sector ng Indigenous Peoples para maging hayag na organisasyon para sa armadong pakikibaka ng terroristang CPP-NPA sa mga liblib na lugar bilang kanilang baseng masa.
Nagpasalamat si Heneral Krishnamurti A Mortela, Philippine Army, Commander, 702nd Infantry (Defender) Brigade sa 41 myembro ng KATABIKO na nagbalik-loob at karagdagang sinabi, “ginamit ng CPA ang KATABIKO bilang kanilang hayag na organisasyong upang higit nilang palakasin ang armadong pakikibaka ng CPP-NPA sa Mountain Province na pumapatay sa mayaman at matatag na kultura ng mga taga Cordillera.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/npa-sectoral-organization-nagbalik-loob-sa-gobyerno/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.