Saturday, December 11, 2021

CPP/NDF-RCTU: Manggagawa at maralita, singilin ang rehimeng US-Duterte laban sa kanyang krimen sa sambayanang Pilipino at labanan ang alyansa ng mga mandarambong at mamamatay tao!

Propaganda statement posted to the PRWC Newsroom (Dec 11, 2021): Manggagawa at maralita, singilin ang rehimeng US-Duterte laban sa kanyang krimen sa sambayanang Pilipino at labanan ang alyansa ng mga mandarambong at mamamatay tao!



FORTUNATO MAGTANGGOL
SPOKESPERSON
REVOLUTIONARY COUNCIL OF TRADE UNIONS-SOUTHERN TAGALOG
NDF-SOUTHERN TAGALOG

December 11, 2021

Mula sa Revolutionary Council of Trade Unions – National Democratic Front – Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST), taas kamao at rebolusyonaryong pagpupugay sa lahat ng mga demokratikong pwersa na nagpapahayag at kumikilos para gunitain sa ibat-ibang panig ng bansa ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao. Sa araw na ito, malakas at nagka-kaisang isinisigaw ng sambayanang Pilipino ang pagsusulong at panawagang kamtin ang mga pundamental na karapatang lansakang nilalabag ng rehimeng US-Duterte, kaalinsa-bay sa matagal nang paghahangad ng hustisya para sa lahat ng mga biktima ng pasistang estado mula sa Martial Law ni Marcos hanggang kay Duterte.

Kaliwa’t kanan ang mga paglabag ng rehimeng US-Duterte sa mga pundamental na karapatan ng mga manggagawa at maralita. Sa loob ng halos anim na taon, mas lumubog sa kumunoy ng kahirapan ang mga manggagawa at pamilya nila dahil sa hindi makata-rungang pagbibigay ng nakabubuhay na sahod, pagpapatupad ng mga anti-manggagawang patakarang kontraktwalisasyon, malawakang tanggalan sa trabaho at pa-nunupil ng estado sa karapatang mag-unyon. Sa kabilang banda, habang ang mga mag-sasaka at katutubong minorya ay nanatiling walang lupang sinasaka, walang ayuda at im-bes na pangalagaan ang interes laban sa mga panginoong maylupa ay malawakang pinal-alayas at itinataboy sa kanilang mga sakahan at lupang ninuno. Ibinunsod nito ang paglitaw ng malalawak na kolonya ng mga maralitang lungsod na nagsisiksikan sa mga komunidad maralita. Dito, nakaranas sila ng kalunos-lunos at di-makataong kalagayan, nahaharap tuwina sa malawakang demolisyon at pwersahang pagpapalayas, wala o kundi man ay kapos sa serbisyong panlipunan tulad ng pabahay, pangkalusugan at edukasyon.

Walang pinag-iba ang pasistang rehimeng US-Duterte sa kanyang pangunahing idolong diktador at pasistang rehimeng US-Marcos. Pareho silang pahirap, mandarambong, ma-panupil at mamamatay-tao. Sa Loob lamang ng anim na taon, napantayan kung di man nalagpasan na ni Duterte ang malawakang pamamaslang na ginawa ni Marcos. Nagka-roon din ng malakihang pangungutang at malawakang pandarambong sa kaban ng yaman na hindi man kasinlaki ng bilyon-bilyong dolyar na dinambong ng pamilya Marcos sa loob ng 20 taon nito sa kapangyarihan, hindi naman magpapahuli sa pagkahayok sa pan-darambong ng bilyon-bilyong piso mula sa pondong publiko na nakalaan sa paglaban sa pandemyang Covid-19, mga proyektong pang-imprastruktura at iba pang serbisyo pub-liko.

Walang ibang hangarin ang mga mandarambong na pamilyang ito kundi maipagpatuloy lamang ang kanilang pang-ekonomiya at pampulitikang pakinabang, walang habas na pangungurakot sa kaban ng yaman habang nasa poder, patuloy na pangangayupapa sa imperyalismong US at China, pagkokonsentra sa lahat ng pakinabang sa mga proyektong nasa ilalim ng Build-Build-Build, malaking pakinabang sa utang panlabas at ayuda mula sa labas ng bansa.

Hangarin ding pagtakpan ng pasistang rehimen ang kanyang mga krimen at patuloy na hinahadlangang makamit ng mga biktima at pamilya nila ang katarungan sa malawakang pamamaslang na dulot ng “gera kontra droga” na kumitil sa may 35,000 na pinaghihi-nalaang adik at tulak mula sa hanay ng mga maralita. Hindi pa kabilang dito ang mga bru-tal na pinaslang na mga lider-masa, aktibista at kritiko gamit ang duguang kamay ng NTF-ELCAC.

Sa kanyang pagtakbo bilang senador, nagmamaniubra si Duterte para maka-iwas at protektahan ang kanyang mga tirador sa Davao Death Squad mula sa pag-uusig ng Inter-national Criminal Court sa kanilang madugong krimen laban sa sangkatauhan.

Sa pagsasanib ng apat na pamilya ng mga mandarambong, asahan natin na gagawin nila ang lahat ng paraan para matiyak ang kanilang panalo sa darating na halalang 2022. Sistematiko din nilang ilulunsad ang malawakang pandaraya gamit ang de-kompyuter na pagbilang ng boto at COMELEC. Gagamitin nila ang pondong publiko sa pamimili ng bo-to, panunuhol at pagbili ng pampulitikang impluwensya upang pwersahang mailuklok sa kapangyarihan ang pangkating Marcos-Duterte-GMA-Estrada. At tulad ng isang maton, ang sinumang mga lokal na pulitikong hindi kapanalig ay nakakatikim ng iba’t ibang anyo ng panggigipit hanggang sa mapaluhod nya ang mga ito at ang mga nagmamatigas ay na-papabilang na lamang sa mahabang listahan ng mga EJK.

Ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio ay perpektong tambalan na higit na maglulubog sa bansa at mamamayan sa ibayong pagdarahop, kadustaan at ligalig dahil ipagpapatuloy lamang ng tambalang ito, at malaman na higitan pa, ang mabangis at madi-lim na paghahari ng kanilang mga pamilya sa lipunang Pilipino. Si Rodrigo Duterte ang nagsilbing litmus test para sa pagpapanumbalik ng madilim at pasistang paghahari sa bansa.

Dahil dito, makatarungan lamang at dapat na hadlangan nang buong lakas ng uring manggagawa at sambayanan ang hangarin ng pamilyang Duterte at Marcos na itayo ang kanilang imperyo at dinastiyang pulitikal sa pamamagitan ng pananatili sa poder ng ka-pangyarihan ng pamilyang Duterte at muling pagbabalik ng pamilyang Marcos sa Mala-kanyang. Makikita ang buktot na hangarin ng pagsasama-sama ng apat na pamilyang MANDURUGAS na sina Marcos-Duterte-GMA-Estrada.

Kinakailangang magkaisa ang buong hanay ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang maralita upang mahigpit na maisanib nito ang kanyang lakas sa ibat-ibang progresibong grupo, sektor at alyansa para labanan ang pangkatin ng mga mandarambong at mamama-tay tao. Huwag nating hayaan na manaig ang mga buktot na hangarin ng pamilyang Mar-cos-Duterte-GMA-Estrada na iluklok sa poder ng kapangyarihan ang tambalang Bongbong Marcos-Sara Duterte-Carpio.

Aktibo nating ipanawagan sa lahat ng mga manggagawa sa ibat-ibang kumpanya, mga pabrika at mga komunidad ng maralita ang paglaban sa imbing pakana ng pangkatin ng mga mandarambong. Ilunsad ang malawakang edukasyong masa hinggil sa reaksyunaryong katangian ng burges na eleksyon at sa lipunan at rebolusyong Pilipino. Pukawin, organisahin at pakilusin ang mamamayan upang aktibong sagkaan ang patuloy na paglapastangan at paglabag sa mga batayang karapatan ng mga manggagawa at maralita. Buuin ang kanilang sariling lakas sa pulitika upang magkaroon sila ng malakas na makinarya at sentro ng paglaban.

https://prwcinfo.wordpress.com/2021/12/11/manggagawa-at-maralita-singilin-ang-rehimeng-us-duterte-laban-sa-kanyang-krimen-sa-sambayanang-pilipino-at-labanan-ang-alyansa-ng-mga-mandarambong-at-mamamatay-tao/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.