NPA-SORSOGON
November 25, 2021
Kinukundena namin ang dumadalas na tangkang pagpaslang, panghaharas at pananakit ng mga sundalo ng reaksyunaryong gobyerno sa mga sibilyan tuwing nasa operasyon ang AFP/PNP laluna kapag nakakasagupa nila ang NPA.
Kaninang alas-6 ng umaga, matapos makasagupa ang isang yunit ng NPA sa Brgy. Sangat, Gubat, hinalughog at binantaang pasasabugin ng mga sundalo ang bahay ng residenteng si Purisima Hapa. Si Hapa ay isang senior citizen at magsasaka na nakatira malapit sa pinangyarihan ng engkwentro. Ninakaw ng mga sundalo sa kanyang tirahan ag dalawang sundang at cash na P400. Ninakawan din ng mga alagang manok si Rolly Estolas, magsasaka at nakatira malapit din sa pinangyarihan.
Bago ang insidenteng ito ay tinangkang paslangin si Kenneth Escullar, magsasaka at residente ng Brgy. Sta. Lourdes, Barcelona, nitong Nobyembre 24 bandang alas dose ng tanghali. Natutulog siya sa balkonahe ng kanyang bahay nang lapitan siya ng mga nag-ooperasyong sundalo. Pinutukan siya ng mga sundalo nang siya ay magising at tumakbo sa takot. Mabuti na lamang ay hindi siya tinamaan.
Binugbog at ninakawan naman ng mga alagang manok si Joey Escurrel isang magsasaka, may kapansanan sa pag-iisip at residente ng Bgry. Olandia, Barcelona pagkatapos ng matagumpay na depensa ng isang yunit ng NPA sa tangkang pagkubkob ng 31st IBPA nitong Nobyembre 2.
Ang pagbaling sa walang kalaban-labang mga sibilyan ay isang karuwagan at paglabag sa internasyunal na makataong batas at sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) hinggil sa wastong pagtrato sa mga sibilyan sa gitna ng umiiral na gera sibil sa bansa. Ipinapakita lamang ng mga insidenteng ito ang kawalang-pakialam ng mga reaksyunaryong armadong pwersa sa buhay at kabuhayan ng mga masa.
Nanawagan kami sa mamamayang Sorsoganon na maging mapagmatyag sa posible pang maging paglabag sa karapatang tao sa gitna ng pinatitinding mga operasyon ng AFP/PNP. Dapat magkaisa ang mamamayan sa paglalantad at paglaban sa lahat ng porma ng paglabag sa karapatang tao. Hinahamon naman namin ang mga opisyal ng lokal na reaksyunaryong gubyerno na aksyunan ang mga daing ng mamamayan laban sa nasabing mga abuso militar.
https://prwcinfo.wordpress.com/2021/11/25/ang-pagganti-sa-mga-sibilyan-ay-labag-sa-internasyunal-na-makataong-batas/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.