Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 14, 2021): Mga magsasaka at barangay official ang “pinasusurender” at ginigipit ng 31st IBPA at Sorsogon PMFC!
SAMUEL GUERREROSPOKESPERSON
NPA-SORSOGON (CELSO MINGUEZ COMMAND)
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
OCTOBER 14, 2021
Mariing kinukundena ng Celso Minguez Command-BHB Sorsogon ang sapilitang pagpapasurender, pambubugbog, pananakot at iligal na interogasyon ng 31st IBPA at PMFC sa mga upisyal ng baranggay at magsasaka sa bayan ng Donsol. Desperadong ipinatutupad ng pormasyon ng AFP at PNP na nakakasakop sa bayan ang marumi at madugong gera laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan sa pamamagitang ng mga combat operation, civil military operation at intelligence operation. Perwisyo, pagka-udlot ng kabuhayan at takot ang hatid sa mamamayan ng mahigit dalawang buwang paghahasik ng teror sa mga barangay ng Devera, Banban, Mabini, Baras, Alin, San Isidro, San Vicente, Tongdol (at mga brgy sa kabilang ilog) sa saklaw ng Donsol at mga barangay ng Catamlangan, Cabiguan, Megabod, Abucay, Cagdungon, Lipason at Lumbang sa bayan ng Pilar. Mula huling linggo ng Setyembre hanggang unang linggo ng Oktubre, naitala ang iba’t ibang porma ng paglabag sa karapatang tao, panunupil at pandarahas sa mga residente ng Donsol, Sorsogon.
Habang nanghahalihaw ang Retooled Community Support Program (RCSP) at combat operation, isinailalim sa ilegal na interogasyon ang mahigit 20 sibilyan sa mga nasabing baranggay sa Donsol at sa isa pang baranggay sa Pilar. Binugbog ang isa sa kanila. Habang iniinteroga, kinunan ang mga biktima ng litrato. Ihinarap din sa kanila ang mga larawan ng ilang personalidad na hindi nakatira sa kanilang mga baranggay. Matapos ang serye ng panggigipit at iligal na interogasyon, sapilitang pinasurender ang 17 sibilyan sa Devera, Mabini, Banban at sa San Isidro. Tatlo sa mga ito ang upisyal ng baranggay at 14 ang magsasaka. Sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng mga batas ng digma dahil ilinalagay nito sa panganib ang sibilyang populasyon, ginagamit bilang baraks ng mga militar at pulis ang mga pampublikong pasilidad tulad ng eskwelahan, barangay hall, simbahan at kabahayan. Itinulak din ng mga ito ang mga anti – sosyal at dekadenteng gawain sa komunidad tulad ng pag – iinom at pagsusugal.
Bago pa man ang kasalukuyang bugso ng pananalasa ng FMO at RCSP, nauna nang naglunsad ang pinagkumbinang Sorsogon PPO at Donsol MPS ng mga Synchronized Anti – Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) noong ikalawang kwarto ng kasalukuyang taon. Abril 19 hinalughog ang bahay ng pamilyang Delosantos sa Barangay San Vicente. Mayo 1, tinamnan ng baril at inaresto si Renie Morales ng Barangay Gogon. Hunyo 17, tinamnan ng baril at granada si Jesus Macenas at binaril bago dinakip. Lahat ng biktima ay iniuugnay ng PNP at AFP sa rebolusyonaryong kilusan. Makailang beses na ring penerwisyo ang mga residente sa paulit – ulit na pagpapatawag ng mga “pulong – pulong” ng mga militar at pulis para lamang maghasik ng kasinungalingan tungkol sa “kabutihan” ng gubyerno at “kasamaan” ng rebolusyonaryong kilusan.
Nagkukumahog ang RTF-ELCAC sa ng pinakamaraming maidedeklarang “CLEAR” na baranggay upang bigyang matwid ang patuloy na pagbubuhos ng pondo para sa pasismo at terorismo ng rehimen. Tiyak na milyun – milyon ang paghahatian ng mga kurap na opisyal ng militar at pulis mula sa Barangay Development Program (BDP) na naglalaan ng P20 milyon sa bawat baranggay na maidedeklarang “CLEAR” at mahigit P65,000 sa bawat surender sa ilalim ng Enhanced Community Local Integration Program (ECLIP). Habang lumalakas ang paglalantad at pagkukundena ng taumbayan sa malawakan at sistemakong pagwawaldas at pandarambong ng kabang bayan ng mga naghaharing pangkatin at kanilang mga alipures, desperado ang juntang militar na mapanatili sa kanilang kontrol ang malaking tipak ng pondo para sa kanilang kontra-rebolusyonaryong kampanya.
Mapagpasyang bibiguin ng mga Donsolanon ang anumang pagtatangka at maruruming modus operandi ng militar, pulis at NTF – ELCAC na ipawalang saysay ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Sorsoganon. Totoo na ang pasismo at terorismo ng estado ay nagdudulot ng takot sa mamamayan. Ngunit ang walang kasinglubhang krisis sa kabuhayan, kalusugan at pampulitikang panunupil ang magtutulak sa mamamayan na pangibabawan ang takot at pag-alabin ang diwa ng paglaban.
Nananawagan ang CMC – BHB Sorsogon sa mamamayang Sorsoganon at lahat ng Bikolano na pahigpitin ang pagkakaisa at pagtutulungan upang ilantad at labanan ang iba’t – ibang porma ng panunupil at pandarahas na iwinawasiwas ng mga nag – uulol na utusan ng tiraniko at pasistang si Duterte. Hinihikayat ng CMC ang mga mamamayan na magsampa ng reklamo sa Hukumang Bayan laban sa mga sagadsaring elemento at yunit ng militar at pulis na pasimuno sa walang habas na pagsalaula sa karapatang pantao. Makakaasa ang mamamayang Sorsoganon na gagawin ng CMC – BHB Sorsogon ang tungkulin nito upang papanagutin ang mga salarin at kamtin ang rebolusyonaryong hustisya para sa mga biktima.
https://cpp.ph/statements/mga-magsasaka-at-barangay-official-ang-pinasusurender-at-ginigipit-ng-31st-ibpa-at-sorsogon-pmfc/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.