Saturday, October 23, 2021

CPP/Ang Bayan: Mga protesta

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 21, 2021): Mga protesta




World Hunger Day. Nagprotesta ang mga aktibistang magsasaka noong Oktubre 16 sa harap ng Mega Q-Mart sa Quezon City bilang paggunita sa World Food Day na kanilang binansagang World Hunger Day (Araw ng Kagutuman). Hinamon nila ang mga kandidato sa halalan 2022 na gawing bahagi ng kanilang adyenda ang paglalatag ng “kongkretong solusyon sa kronikong krisis sa pagkain at sektor ng agrikultura, na dapat ay nakabatay sa prinsipyo ng pang-ekonomyang kasarinlan at pag-asa sa sarili.”

Iti­gil ang pro­yek­tong rek­la­ma­syon sa Ce­bu. Nag­lun­sad ng protestang pa­ra­da sa da­gat ang mga ma­ngi­ngis­da at mag­sa­sa­ka sa Ca­lajoan, Minglanilla, Cebu noong Oktub­re 15 pa­ra ipa­tigil ang ope­ra­syon ng kwa­ri at pla­nong rek­la­ma­syon sa lu­gar. Ki­nun­de­na ni­la ang pag-ap­ru­ba ng lo­kal na gubyerno sa 100-ek­tar­yang pro­yek­tong rek­la­ma­syon na Ming-Mo­ri. Na­ba­ba­ha­la si­la sa maaa­ring ma­ging epek­to ni­to sa ka­li­ka­san at ka­ni­lang ka­bu­ha­yan. Ga­yun­din, iniu­lat ni­la ang pa­tu­loy na ope­ra­syon ng kwari sa ka­bun­du­kan ng Ming­la­nil­la.

Pro­tes­ta ng mga elektri­sya­n. Nagpro­tes­ta noong Oktub­re 11 sa ha­rap ng upi­si­na ng Department of Labor and Employment ang mga mang­ga­ga­wa ng Hypervolt Contractor Cor­po­ra­ti­on upang kun­de­na­hin ang na­hu­hu­li at ili­gal na mga kal­tas sa ka­ni­lang sa­hod at ka­wa­lan ng be­ne­pi­syo ng kum­pan­ya. Ang Hypervolt ay kontrak­tor ng mga elektri­syan na na­nga­nga­si­wa sa pag­ka­ka­bit at pag-aa­yos sa lin­ya ng kur­yen­te.

Ayu­da, ba­ku­na hin­di de­mo­li­syo­n. Nag­ti­pon ang Ka­da­may noong Oktub­re 9 sa ha­rap ng De­partment of the Inte­ri­or and Local Government sa Quezon City upang igi­it ang “ze­ro de­mo­li­ti­on” o pagpapahinto sa lahat ng demolisyon la­lu­na sa pa­na­hon na ma­yor­ya ay nag­hi­hi­rap du­lot ng pan­dem­ya at kri­sis sa eko­nom­ya. Iniu­lat ni­lang may 50,000 ma­ra­li­ta ang po­sib­leng ma­wa­lan ng ti­ra­han sa Met­ro Ma­ni­la da­hil sa ban­ta ng de­mo­li­syo­n.

Tagumpay ng kooperatiba ng kuryente sa Benguet. Matagumpay na napatalsik ng mga empleyado ng Benguet Electric Cooperative ang tuta ng Malacañang na si Ana Marie Rafael na sapilitang iniluklok ng National Electrification Authority bilang pangkalahatang manedyer noon pang Hulyo 29. Napatalsik si Rafael matapos ang mga protesta na inilunsad ng mga empleyado sa Baguio City na dinaluhan ng daan-daang katao.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/10/21/mga-protesta-32/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.