From the Philippine Information Agency (Mar 18. 2021): Tagalog News: Lima pang miyembro ng BIFF sumuko sa militar (By PIA Cotabato City)\
PHOTO: DPAO-6ID
LUNGSOD NG COTABATO, Marso 18 (PIA) -- Isa pang bagong batch ng limang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nag-ooperate sa Maguindanao ang nagbalik-loob sa pamahalaan kamakalawa.
Ito ay matapos silang sumuko sa headquarters ng 1st Mechanized Brigade sa Barangay Kamasi sa bayan ng Ampatuan.
Nabatid na ang mga sumukong rebelde ay kabilang sa Karialan Faction. Kasabay ng kanilang pagsuko ay itinurn-over ng mga ito isang M16A1, isang cal.30 garand, isang M79 GL, isang 7.62mm sniper rifle, at dalawang cal.50 barret rifle.
Ibinahagi naman ng isa sa mga sumukong rebelde ang kanyang naging karanasan sa grupo. Aniya, naranasan niya ang hirap sa bukirin, wala rin aniya silang kapanatagan sa isip dahil palagi silang tumatakbo at nagtatago sa tuwing nakakakita ng puwersa ng gobyerno.
Matatandaang kamakailan ay ilang miyembro din ng rebeldeng grupo ang sumuko at nagturn-over ng kanilang mga armas.
Samantala, sinabi ni 6th Infantry (Kampilan) Division (6ID) at Joint Task Force Central (JTFC) Commander Major General Juvymax Uy na ang pagdami ng mga sumukong rebelde ay mai-uugnay sa sama-samang pagsisikap ng militar, mga lokal na pamahalaan, traditional leaders, at mamamayan ng Maguindanao.
Dagdag pa ni Uy na patuloy na isinasagawa ng tropa ng militar ang mas pinaigting na stakeholder engagement upang hikayatin ang mga natitirang rebelde na sumuko at makipagtulungan sa gobyerno. (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from DPAO, 6ID).

https://pia.gov.ph/news/articles/1069917
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.