Tuesday, February 23, 2021

Tagalog News: Site survey sa pabahay para sa mga sumukong rebelde, isinagawa na

From the Philippine Information Agency (Feb 23, 2021): Tagalog News: Site survey sa pabahay para sa mga sumukong rebelde, isinagawa na (By Merlito G. Edale, Jr.)

Featured Image

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela, Pebrero 23 (PIA) - Nagsagawa kamakailan ng site survey ang National Housing Authority (NHA) at LGU Jones katuwang ang 86th Infantry Battalion para sa ipapatayong pabahay na handog ng pamahalaan sa mga dating rebelde.

Ani Jones Mayor Leticia Sebastian, ang isinagawang site survey ay upang matiyak ang kaligtasan ng lugar na pagtatayuan ng kanilang mga bahay.

Sinabi ng alkalde na palaging sumusuporta ang lokal na pamahalaan sa mga programa ng national governement upang mahikayat ang mga rebelde na sumuko na at mamuhay ng normal.

Ayon pa sa kanya, ang libreng pabahay ay ipagkakaloob sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Dadaan sa masusing eksamin ang mga posibleng mabigyan ng pabahay upang malaman kung pasok ang mga ito sa kondisyon ng NHA ayon pa kay Sebastian. (MDCT/BME/MGE/PIA 2-Isabela)

https://pia.gov.ph/news/articles/1067684

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.