Sunday, February 28, 2021

Kalinaw News: 1.4M natanggap ng 72 na dating rebelde ng Sarangani Province

From Kalinaw News (Feb 27, 2021): 1.4M natanggap ng 72 na dating rebelde ng Sarangani Province



Malita, Davao Occidental – Nakatanggap ng halagang PhP 1.4M ang 72 na mga dating rebelde ng Sarangani Province na sumuko sa kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion sa ginanap na “Releasing of Financial Assistance to Former Rebels” sa Capitol Gymnasium, Alabel, Sarangani Province nitong ika-26 ng Pebrero 2021.

Nagkaroon ng simpleng programa ang pamamahagi ng “financial assistance” sa mga dating rebelde ng Sarangani Province na kung saan nabigyan ang 18 na mga dating rebelde ng livelihood at immediate assistance sa halagang PhP 65,000 at 1 ang nakatanggap immediate assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Samantala, 45 naman na mga dating rebelde ang nakatanggap ng PhP 5,000 cash assistance na ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development.

Sa ibinahaging mensahe ni Engr. Samuel Camaganacan kanyang nabanggit sa mga dating rebelde na hikayatin ang mga natitira pang rebelde na sumuko na. “Narito ang ECLIP upang kayo ay matulungang magbagong-buhay. Kaya naman, kung may mga kakilala pa kayong hindi pa sumusuko, hikayatin ninyo at i-avail ang assistance na binabahagi ng gobyerno.”

Sa pakikipag-usap ng Pinuno ng 73IB na si LT. COL. RONALDO G VALDEZ sa mga dating rebelde, kanyang binigyang-diin na gamitin sa tamang paraan ang matatanggap na pera. “Malaki ang ibibigay na pera sa inyo at nagkaroon na din kayo ng sapat na trainings at seminar. Ito na ang hinahangad niyong bagong-buhay na sinabi ninyo sa aming kasundaluhan nang kayo ay sumuko at nagbalik loob sa gobyerno,” kanyang sinabi.

Bilang pagtatapos, nagbigay ng mensahe ang gobernador ng probinsya na si Hon. Steve Solon at nagtanong ng kung ano pang karagdagang pangangailangan ng mga dating rebelde. Malugod naman nila itong tinugunan at nagbahagi ng kanilang kailangan.

Walang katumbas ang saya na makikita sa mukha ng mga dating rebelde sa isinagawang aktibidad. Kanilang napagtanto na taliwas ang ipinamulat sa kanila ng kilusan. Sa katunayan, hindi sila itinakwil at pinabayaan sa kabila ng karahasang kanilang ginawa sa gobyerno noon.

Ang kasundaluhan, lokal na pamahalaan, at mga ahensya ng gobyerno ay walang sawang tumutulong at maghatid ng serbisyo ng gobyerno sa ilalim ng administrasyong Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang programang End Local Communist Armed Conflict upang wakasan ang insurgensiya sa bansa.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/1-4m-natanggap-ng-72-na-dating-rebelde-ng-sarangani-province/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.