Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 11, 2021): Itigil ang pambobomba at istraping sa SQBP
CLEO DEL MUNDOSPOKESPERSON
NPA-QUEZON (APOLONIO MENDOZA COMMAND)
SOUTHERN TAGALOG REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (MELITO GLOR COMMAND) NEW PEOPLE'S ARMY
FEBRUARY 11, 2021
Sa pinakahuling datos na nakalap, umaabot sa 22 baryo ng 4 na bayan sa South Quezon-Bondoc Peninsula o SQBP ang nasa isang linggo nang binobomba at iniistraping ng Armed Forces of the Philippines pagkatapos ng naganap na labanan sa pagitan ng AMC-NPA at 85th IB noong madaling araw ng Pebrero 5 sa barangay Masaya ng bayan ng Buenavista.
• Sa bayan ng Buenavista ay apektado ang pitong baryo (Esperanza, Masaya, Villa Aurora, Villa Veronica, dela Paz, San Pedro, Mabini) kung saan mahigit 5,000 residente.
• Sa bayan ng Catanauan ay anim na baryo (Anyao, Agro, Anusan, Camandiison, Tagbacan Silangan, Milagrosa) na tinatayang may populasyong mahigit 8,100.
• Sa bayan ng Mulanay ay pitong baryo (Anonang, Bagupaye, Bolo, Buenavista, Burgos, Mabini, Magsaysay) na may mahigit 10,500 populasyon.
• Sa bayan ng San Narciso ay dalawang baryo (Bani, San Isidro) na mahigit 2,600 ang residente
Bukod pa rito ang tuluy-tuloy na focused military operations sa mga barangay ng Suha, Doongan, San Vicente Silangan, San Vicente Kanluran at Santa Maria ng bayan ng Catanauan; barangay ng San Francisco B, Sto Niño Ilaya, Cawayanin, Sta Catalina, Mabanban, Veronica, San Andres, Villa Espina, Vagaflor sa bayan ng Lopez; barangay ng Recto Sumilang, Recto, Magsaysay, Lavidez sa bayan ng General Luna at barangay ng Vista Hermosa at Malabahay sa bayan ng Macalelon.
Ano ang nasa likod ng maigting na operasyong militar?
Hindi dapat paniwalaan na dahil sa pursuit operation ng AFP laban sa tinutugis na NPA kaya tuluy-tuloy ang kanilang pagpapasabog ng bomba, pagpapaputok, pagpapalipad ng helicopter at pang-iistraping sa mga naturang lugar.
Nagkakasala-salabid na ang istorya ng Southern Luzon Command kaya hindi dapat paniwalaan ninuman ang ibinibigay na rason ng mga sundalo kung bakit sapilitang pinapalikas ang mga residente at kasunod ay ang pambobomba at istraping.
Una, sinasamantalang pagkatataon ng Solcom-AFP ang naganap na labanan para praktisin ang gamit ng kanilang mga bagong armas pandigma. Nagmula ito sa P33 bilyong pondo para sa pagbili ng modernong kagamitang militar.
Ikalawa, parte ng clear-hold-consolidate-develop na pakana ng Retooled Community Support Program ng Joint Campaign Plan-Kapanatagan ang “paglilinis” ng mga baryo sa presensya at impluwensya ng NPA sa mga baryo. Sa gayon, mabibigyang puwang ang P20 milyong badyet na inilaan sa mga piniling barangay.
Sa ating lalawigan, mayroong 17 barangay ng 5 bayan ang naapruban na ang P20 milyong pondo. Saklaw nito ang mga barangay na kasakuluyang binobomba at iniistraping. Ang pondo ay ilalaan sa pagpapagawa ng farm-to-market road (P12M), eskwelahan (P3M), water system at sanitasyon (P2M), at tig P1.5M para sa national greening/forest protection at health stations.
Ikatlo, pagtalima ito sa buhong na kautusan ni Duterte na wakasan na ang CPP-NPA hanggang bago matapos ang kanyang termino sa 2022. Kakumbina ng pambobomba at istraping ang paggamit ng negosyong E-CLIP para sa pekeng pagpapasuko, at Anti-Terrorism Act of 2020 para sa mamamayang “hindi makikipagtulungan”.
Hindi maaring magtuloy-tuloy ang ganitong panliligalig at pangwawasak sa pamayanan ng maralitang magsasaka sa ating lalawigan. Kailangang kumilos ang mamamayan para tutulan at labanan ang napakaruming gera na dinadala ni Duterte at kanyang mga Heneral sa ating lalawigan.
Sabi ng isang estudyante ng elementary na hindi na makapanhik ng bundok para makapag-internet sa kanyang module class, “Nasa West Philippine Sea ang sumasakop sa Pilipinas, bakit dito sa atin umaatake ang sundalo?”
https://cpp.ph/statements/itigil-ang-pambobomba-at-istraping-sa-sqbp/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.