Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2021): Masaker sa Mendiola, ginunita
Nagmartsa tungong Mendiola sa harap ng Malacañang ang hindi bababa sa 500 aktibista noong Enero 22 bilang paggunita sa ika-34 taon ng pagmasaker ng mga pwersang pulis sa 13 nagpuprotestang magsasaka. Hanggang ngayon, wala pa ring natatamong hustisya ang kanilang mga pamilya. Sa halip, tumindi pa ang kahirapan at karahasan sa sektor. Noong 2020 lamang, 59 nang magsasaka ang pinatay. Naglunsad din ng katulad na mga pagkilos ang mga magsasaka sa Laguna, Cebu at Negros Occidental.
Sa Quezon, ginunita naman ng mga magsasaka ang ika-40 taon ng Guinayangan Masaker noong Pebrero 1. Sa masaker na ito sa parehong araw noong 1981, dalawa ang napatay nang paulanan ng bala ang 6,000-lakas na martsa ng mga magsasaka.
Sa Panay, itinatag ang Defend Panay Network noong Enero 29, isang buwan makalipas ang brutal na pagmasaker sa siyam na lider-Tumandok sa Tapaz, Capiz.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2021/02/07/masaker-sa-mendiola-ginunita/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.