Wednesday, January 13, 2021

Tagalog News: Dating mga rebelde sa Palawan, tumanggap ng tulong mula sa E-CLIP

From the Philippine Information Agency (Jan 13, 2021): Tagalog News: Dating mga rebelde sa Palawan, tumanggap ng tulong mula sa E-CLIP (By Orlan C. Jabagat)


Personal na inabot nina BGen. Sharon Gernale, Deputy Commander for Operation ng Western Command, Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail Ablaña at DILG-Palawan Provincial Director Virgilio Tagle ang tulong pinansiyal at pang kabuhayan para sa mga former rebel (FR) mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa isinagawang awarding ceremony kahapon. (Larawan ni Orlan C. Jabagat)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 13 (PIA) -- Labing dalawang mga dating rebelde o former rebels (FRs) ang nabigyan ng tulong pinansiyal at pangkabuhayan mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony kahapon.

Walo sa mga ito ay dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at apat naman ang milisya ng bayan. Dalawa sa mga ito ang hindi nakadalo sa awarding ceremony, dahil sa nasa malayong islang barangay na nakatira ang mga ito.

Samantala, isa sa mga ito ang tumanggap din ng tulong pinansiyal mula naman sa Local Social Integration Program (LSIP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ilalim ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ang awarding ceremony ay pinangunahan nina DILG-Palawan Provincial Director Virgilio Tagle, PSWDO Abigail Ablaña at BGen. Sharon Gernale, Deputy Commander for Operation ng Western Command.

“Ang pagbalik-loob ninyo sa pamahalaan ay nangangahulugan lamang na tayo po ay nasa tamang landas at sa part po ng government, isa po ito sa mga pinakikita ng pamahalaan na sinsero at tapat ang ating pamahalaan sa layunin na makamit ang kapayapaan,” ang mensahe ni DILG-Palawan PD Tagle.

“Kung anuman ang ibibigay ng ating pamahalaan ay huwag nating tingnan sa halaga bagkus tingnan natin ito kung paano natin pagyayamanin kasi kahit gaano ito kaliit o kalaki kung ito ay pahahalagahan ‘yan ay makakatiyak ng panibagong buhay para sa inyo,” ang payo naman ni PSWDO Ablaña sa mga FR.

Pinasalamatan naman ni BGen. Gernale ang Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa patuloy at maigting na pagtataguyod ng isang napakahalagang programa ng gobyerno para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran ng lalawigan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

https://pia.gov.ph/news/articles/1063638

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.