Friday, November 27, 2020

Tagalog News: RAdm. Ramil Roberto B. Enriquez, bagong Wescom Commander

From the Philippine Information Agency (Nov 27, 2020): Tagalog News: RAdm. Ramil Roberto B. Enriquez, bagong Wescom Commander (By Orlan C. Jabagat)


Sina Outgoing Commander Lt. Gen. Erickson T. Gloria at Incoming Commander RAdm. Ramil Roberto B. Rodriguez, sa isinagawang Change of Command ng Western Command (WESCOM) kamakailan. (Larawan mula sa WESCOM)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob. 27 (PIA) -- Opisyal nang nanungkulan bilang bagong Commander ng Western Command (WESCOM) si Rear Admiral Ramil Roberto B. Enriguez, pagkatapos ng isinagawang Change of Command kamakailan sa Rizal Reef Hall sa Wescom Headquarters.

Ang Change of Command ay pinamunuan ni AFP Chief of Staff General Gilbert I. Gapay sa pamamagitan ng zoom.

Si RAdm. Enriquez ay kabilang sa 1988 Maringal Class ng Philippine Military Academy (PMA) at siya ay mula sa hanay ng Philippine Navy.


Pinalitan nito si Lt. Gen. Erickson T. Gloria na na-promote bilang Vice Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. Si Lt. Gen. Gloria ay nanungkulan lamang ng anim na buwan bilang Wescom Commander.

Si RAdm. Enriquez naman ang ika-34 sa hanay ng mga miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na naging Wescom Commander.

Bago ito naging Wescom Commander ay pinamunuan din nito ang Naval Task Force 41 ng Naval Foces West. Pinamunuan din niya ang iba’-ibang Naval Task Group sa Mindanao.

Naging Commanding Officer din ito ng iba’t-ibang barko ng Philippine Navy tulad ng BRP Cebu (PS28), BRP Bonny Serrano (PG111), BRP Alberto Navarette (PG-394), at BRP Federico Martir (PG-385).

Sa kanyang talumpati, ipagpapatuloy nito ang mga kasalukuyang polisiya at regulasyon na ipinatutupad na sa Wescom ng mga nagdaang commander maliban na lamang kung may mga bagong direktiba sa hinaharap mula sa kanilang pinakamataas na tanggapan.

Pagtutuunan din nito ng pansin ang career development ng mga opisyal at kawani ng Wescom. Hindi rin nito hahayaan ang mga tauhan ng Wescom na masangkot sa ipinagbabawal na droga, gayundin ang pagmamaneho ng nakainom ng alak. (OCJ)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.