From the Philippine Information Agency (Nov 11, 2020): Tagalog News: Mga dating rebelde sa Agusan del Norte magkakaroon ng sariling bahay (By Nora C. Lanuza)
LUNGSOD NG BUTUAN, Nobyembre 11 (PIA) -- Mahigit 100 mga dating rebelde sa probinsya ng Agusan del Norte ang magkakaroon na ng sariling bahay mula sa 1.4 hectares na lupaing bigay ng San Roque Metals, Incorporated (SRMI) sa probinsya.Emosyonal na nagpasalamat si alyas Kris ng malamang isa siya sa makikinabang sa gagawing bahay. Ayon sa kanya sensiro ang gobyernong tumulong sa kagaya nila upang makapagbagong buhay.
Sa ginawang turn-over at ground breaking ceremony, nagpasalamat si Gobernador Dale B. Corvera sa SRMI sa pamamagitan ng kanilang representante na si Ryan Culima sa bigay na lupain at ibinalita din nya na sisimulan na ang pagpapatayo ng kanilang mga bahay at binigyang badyet ng probinsya ng tig P450,000 ang bawat bahay na itatayo para sa mga dating rebelde.
Dahil na din sa tumataas n na bilang nga mga nag-susurender sa 29th at 23rd Infantry Battalions na nakabase sa probinsya, personal na tinutukan ni 2nd district Rep. Maria Angelica Rosedell Amante-Matba ang paghanap ng lupain upang doon itatayo ng mga bahay para sa mga dating rebelde.
Dahil sa mabibigyan na ng kani-kanilang bahay ang mga dating rebelde, tinatawagan ni Rep. Matba ang iba pang mga myembro ng NPA na magbalik loob na sa gobyerno ng makapagbagong buhay na rin.
Ang nasabing lupain, kung saan itatayo ang mga bahay ay matatagpuan sa Barangay Del Pilar sa lungsod ng Cabadbaran. (NCLM/PIA Agusan del Norte)
https://pia.gov.ph/news/articles/1058637
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.