CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Gamu, Isabela- Sa patuloy na pagpapa-igting ng mga kasundaluhan at kapulisan kasama ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng EO-70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nagtagumpay muli sa pagtalikod at boluntaryong pagbabalik-loob ng isang regular na miyembro ng Communist-NPA-Terrorist (CNT) at isang miyembro ng Milisyang Bayan (MB) dala ang isang (1) Garrand Springfield na baril na may 29 na bala, sa bayan ng Nagtipunan, Quirino noong ika-8 ng Agosto 2020.
Ang nasabing mga nagbalik loob sa ating gobyerno ay parehong myembro ng Komiteng Larangan Guerilla Quirino-Nueva Vizcaya (KLG Q-NV) ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV).
Pinagsanib na pwersa ng 86th Infantry (Highlander) Battallion sa ilalim ng 502nd Infantry (Liberator) Brigade, 5ID, PA kasama ang kapulisan ng Nagtipunan, Quirino ang nagbigay daan upang makapagbalik-loob si alyas “Delfin” regular na miyembro ng NPA at alyas “Kom-it” isa sa mga miyembro ng Milisyang Bayan.
Ipinaabot ni BGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5th Infantry (STAR) Division ang kanyang pagbati sa mga nagsipagbalik-loob sa kanilang naging tamang desisyon na yakapin ang tunay na kapayapaan. Ipinaabot din niya na ang mga benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na programa ng ating pamahalaan ay agad na ipoproseso upang magsilbing paunang tulong sa mga naging biktima ng panlilinlang sa maling ideolohiya at bilang panimula ng panibagong buhay kasama ang kanilang mga pamilya.
“Ang pamunuan ng 5th Infantry (STAR) Division kasama ang lokal na pamahalaan ay patuloy na nananawagan sa mga natitira pang mga rebelde na nasa kabundukan ng Cagayan Valley at Cordillera, kasama ang mga miyembro ng Militiang Bayan at mga sumusuporta sa maling ideolohiya ng CPP-NPA-NDF, na magbalik-loob na sa ating pamahalaan. Hinihikayat namin kayong mamuhay sa diwa ng tunay na kapayapaan kasama ng inyong pamilya at mga mahal sa buhay. Sama sama nating isulong ang kapayapaan at pag unlad ng lahat” pahayag ni BGen Mina.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.