Sunday, August 2, 2020

CPP/NDF-Palawan: Pinakamataas na Pulang Pagsaludo kay Kasamang Fidel V. Agcaoili, Bayani sa Puso ng Sambayanang Inaapi at Huwarang Lider ng Rebolusyong Pilipino!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 2, 2020): Pinakamataas na Pulang Pagsaludo kay Kasamang Fidel V. Agcaoili, Bayani sa Puso ng Sambayanang Inaapi at Huwarang Lider ng Rebolusyong Pilipino!

LEONA PARAGUA
SPOKESPERSON
NDF-PALAWAN
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

AUGUST 02, 2020



Walang anumang salita ang makakapaglarawan kung paano kami lubusang nakikidalamhati sa biglaang pagpanaw ni Kasamang Fidel V. Agcaoili. Nararamdaman namin ang malaking kawalan ng isa sa pinakamahusay, huwarang lider, tapat at buong–buong naglilingkod sa masang api at pinagsasamantalahan. Ang buong NDFP- Isla ng Palawan kasama ang lahat ng alyadong organisasyon nito lalo na ang SUPOK (Rebolusyonaryong Organisasyon ng mga Katutubo ng Palawan) ay ipinaaabot ang pinakamataas na pagkilala sa kabayanihan ng kasama. Bunga ng massive internal bleeding due to pulmonary arterial rupture, pumanaw si Ka Fidel sa edad na 75 nuong Hulyo 23, 2020.

Lagi nating maaalala si Kasamang Fidel V. Agcaoili sa kanyang naging malaking ambag sa usapang pangkapayaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)at ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Naging kabahagi siya sa mga matagumpay na kasunduang The Hague Declaration ng 1992 at ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights ang International Humanitarian Law o (CARHRIHL). Naging pinuno siya ng panel ng mga negosyador ng NDFP at matatag na itinaguyod ang linya at paninindigan ng rebolusyonaryong kilusan sa usapang pagkapayapaan nang hindi isinusuko ang anumang prinsipyo at matatag na nilabanan ang bawat pakana ng GRP upang pasukuin ang rebolusyonaryong kilusan.

Lagi nating maalala ang kanyang diwang hindi naigupo ng pasismo ng rehimeng US-Marcos. Gawin nating inspirasyon ang kanyang buhay at pakikibaka sa pagharap ngayon sa pasismo at tiraniya ng rehimeng US-Duterte na nag-iidolo kay Marcos. Dapat na alalahanin ang katulad ni Kasamang Fidel na kailanman ay hindi natakot, hindi sumuko sa pasismo kahit pa sukdulang ibilanggo at pahirapan ng mga pasista. Tulad ni kasamang Fidel dapat nating pag-ibayuhin ang lahatang panig ng ating gawain saanman hanggang sa huling hininga ng ating buhay.

Dakilang inspirasyon at puno ng mga aral ang buhay ni kasamang Fidel. Walang maliw na pagmamahal ang inukit niya para sa bayan. Sa gitna ng matinding panggigipit ng rehimeng Duterte sa mamamayang api at pinagsasamantalahan, ang iyong kamatayan Ka Fidel ay nagsisilbing paalala, na sa panahon ng matinding pasismo ng rehimeng US-Marcos ay naigiit mo ang kalayaan sa pamamagitan ng mahigpit na pakikipagkaisa at pagsusulong ng interes ng mamamayan na humantong sa malaking pag-aalsang bayan – ang Edsa Revolution nuong 1986 na nagpatalsik sa kampon ng kasamaan na si Marcos. Inspirasyon namin ito sa ngayon na ang taumbayan ay naghahangad ng kalayaan mula sa isang papet, inutil at teroristang rehimeng US-Duterte. Hindi ka namin malilimutan kasama!

Para sa pamilya ni Kasamang Fidel, lubos kaming nakikiramay!

Mabuhay ang National Democratic Front of the Philippines!

Mabuhay ang CPP-NPA-NDFP!

Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino

https://cpp.ph/statement/pinakamataas-na-pulang-pagsaludo-kay-kasamang-fidel-v-agcaoili-bayani-sa-puso-ng-sambayanang-inaapi-at-huwarang-lider-ng-rebolusyong-pilipino/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.