LUNGSOD NG BUTUAN, Hulyo 21 (PIA) -- Sa kabila ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), patuloy pa rin sa pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo ang mga myembro ng regional task force to end local communist armed conflict (RTF-ELCAC) para tugunan at matuldukan ang karahasang dulot ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPAs) sa rehiyon ng Caraga.
Isang stakeholders forum ang ginanap sa rehiyon sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang muling mabisita at mareview ang mga tulong na naibigay sa local government units at ang mga priority projects, programs at activities na dapat ipatupad sa mga barangays na kabilang sa retooled community support program (RCSP) at para mabigyan ito ng kaukulang Aksyon at maipagpatuloy ang mga ito.
Sa ginawang pagtitipon, hinikayat ni DILG Caraga regional director Lilibeth Famacion ang mga myembro ng task force na pagtibayin ang mga hakbang para tuluyang makamit ang katahimikan at ang pag-unlad ng rehiyon lalo na't may pandemya.
Inilatag din ni Major Francisco Garello, Jr., ang civil military operations officer ng 402 Infantry Brigade, Philippine Army ang iba’t ibang proyektong kabilang sa RCSP.
Nagsumite din at nakibahagi sa workshop ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ng kanilang mga proposed programs, projects at activities na pwedeng ipatupad sa conflict-affected barangays ng rehiyon .
Kabilang dito ang Department of Public Works and Highways, Department of Agriculture, TESDA, Department of Social Welfare and Development, BFAR, Philippine Army at ipa pang kasapi ng task force. (NCL/PIA Caraga)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.