Sarangani Province – Nagkaroon ng awarding ang Task Force Balik-Loob kasama ang ibat ibang ahensya ng gobyerno ng Sarangani Province ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) Assistance sa sampung (10) former rebels na nagbalik-loob sa 73rd Infantry Battalion ngayong araw, July 10, 2020 sa Capitol Gymnasium ng nasabing bayan.
Kasabay ng Joint Provincial Peace and Order Council (POC) at Provincial Anti-Legal Drug Abuse Council (PADAC) meeting, sa isang seremonya na dinaluhan ni Gov. Steve Solon, Chairman ng ECLIP Committee kasama sina Col. Potenciano Camba, 1002nd Bde Commander, Lt. Col. Ronaldo G Valdez, 73IB Commander at iba pang mga miyembro ng committee, ibinigay nila ang cheke na nagkakahalaga ng PhP 65,000 para sa Immediate at Livelihood Assistance ng bawat FR.
Laking pasasalamat ni LTC Valdez na sila ay nagbalik-loob sa gobyerno. “Dito niyo mararamdaman ang totoong kasiyahan sa pagsurender niyo. Sana sa pera na inyong natanggap, ito ang maging tulay upang gumanda ang inyong pamumuhay at maging ehemplo kayo sa iba pang mga rebelde” saad niya.
Bakas ang saya sa mukha ng mga dating rebelde sa tulong at suporta na ibinigay sa kanila ng gobyerno.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/eclip-assistance-naibigay-sa-10-fr-ng-73ib/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.