Posted to Kalinaw News (Jul 13, 2020): Serbisyo Sigurado sa Barangay para sa AFLA (By 10 Infantry Division)
Malapatan, Sarangani Province – Isa sa nabenipisyohan ng LGU Malapatan ng kanilang Serbisyong Sigurado Sa Barangay Outreach Program ay ang Alying Farmers Livelihood Association na isinagawa noong July 10-11, 2020 sa Brgy Sapu Masla, Malapatan.
Nirepresentahan ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, 73IB Commander, si 1LT Orestes Fausto, Alpha Company Commander, na kung saan lubos ang kanyang pasasalamat sa pagsisikap na ibinigay ng LGU sa pag-akyat sa bundok. Naging maganda ang resulta na kung saan worth it ang kanilang kapaguran.
Namangha din ang nasabing grupo sa sagana ng gulayan ng asosasyon na kung saan nagmukhang palengke ang komunidad sa dami ng gulayan na inani.
Sa pamumuno ni Hon. Salway Sumbo, Mayor of Malapatan, nagkaroon ng programa ang staff ng munisipyo kasama sina Vice Mayor Jean Delos Santos, SB Member Arnel Fermasis at si Brgy Captian Mohiden Calong na kung saan nagkaroon ng medical check up, distibution ng sleepers at food packs at open forum para sa mga issues and concern ng komunidad.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/serbisyo-sigurado-sa-barangay-para-sa-afla/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.