Posted to Kalinaw News (Jul 21, 2020): Mga dating rebelde, nabigyan pangkabuhayan ng JCI Dambana at Task Force ELCAC (TASK FORCE BALIK LOOB)
SAN JOSE, Occidental Mindoro — Nabigyan ng Bamboo Plantation ang mga katutubong Mangyan ng Brgy Naibuan noong Hulyo 15 ngayong taon.
Mula Hulyo 11 hangg Hulyo 15 ay humigit 1,000 na puno ng kawayan ang naitanim sa lupaing ninuno ng mga katutubo sa kabundukan na may sukat na humigit limang (5) iktaryang lupain.
Sa loob din ng limang araw ay nagturo si Ginoong Efren Delos Reyes ng DENR CENRO San Jose. Siya ay nagbigay ng kaalaman tungkol sa tamang pag-tatanim, tamang pangangalaga at kung paano pagyayamanin ang nasabing proyekto
“Nagpapasalamat ako sa mga ahensya na siyang tumugon at nakilahok upang maisakatuparan ang Bamboo Plantation ganon din sa (JCI) San Juan Dambana sa walang sawang pagbibigay ng suporta sa mga proyekto ng pamahaalan at para narin sa nasabing samahan,” ani Lieutenant Colonel Arbolado, 4th Infanrty Battalion Commander.
Nagtulong-tulong ang 4th Infantry Battalion, Junior Chambers International (JCI) San Juan Dambana, at DENR CENRO San Jose sa paglunsad ng proyektong pangka-buhayan para sa Bagong Pag-asa Association (BPA).
Ang BPA ay samahan ng mga rebel returnee, dating rebel supporter at mga E-CLIP beneficiaries na binuo nga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at ng kasundaluhan. Sa kasalukuyan ay mayroon itong 28 na miyembro na nagpapasalamat sa tulong ng gobyerno na tinutulungan sila magkaroon ng tahimik at panibagong buhay.
“Ang pagtataguyod ng ganitong aktibidad ay pagpapakita lamang na laging bukas ang ating pamahalaan at handang tumulong sa ating mga kapatid na nalinlang ng mga terroristang grupo na nais ng mag balik loob sa ating pamahalaan upang magkaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay, pagpapakita din ito na desidido at seryuso ang ating pamahalaan na tuluyang wakasan ang insurhensiya sa bansa,” dagdag ni Lt Col Arbolado.
Malaki ang pasasalamat sa programamang pangkabuhayan na natanggap ng BPA na pinamumunuan ni Ginoong Ocson Casidsid.
Hinimok din ni Colonel Jose Agusto V Villareal, Commander 203rd Bantay Kapayapaan Brigade, ang mga kasama sa nasabing aktibidad na tuloy-tuloy na magtulungan ang lahat ng ahensya ng gobyerno pati ang pribadong sector para matugunan ang mga isyu at pangangailangan ng ating mga kababayan; lalong-lalo na ang mga katutubo na nasa mga liblib na lugar na siyang laging ginagamit ng mga komunista para maramdaman nila ang kanilang kahalagahan sa ating lipunan maging sa ating pamahalaan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/mga-dating-rebelde-nabigyan-pangkabuhayan-ng-jci-dambana-at-task-force-elcac/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.