From Radio Mindanao Network (RMN) (May 21, 2020): Mga dating BIFF Combatants nakabiyaya ng Farm Equipments mula Maguindanao Government (By Dennis Arcoon)
Muling namahagi ng Farm Machineries ang Provincial Government ng Maguindanao sa mga dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan.
Kinabibilangan ito ng mga Bao-Bao at Kuliglig bukod pa sa mga vegetable seedlings at fertilizers.
Kabilang sa mga napagkalooban ng Farm Equipments ay mga dating myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter, 59 ay mula sa aor ng 601st Brigade habang 9 naman mula 602nd Brigade
Isinagawa ang turn-over sa Provincial Capitol sa Buluan, na sinaksihan ng mga matataas na opisyales ng Militar at Kapulisan.
Kaugnay nito, umaasa si PNP BAR Regional Director Manuel Abu na magagamit ng mga rebel returnees sa kanilang pagbabagong buhay ang ipinagkaloob ng gobyerno ,habang lubos namang nagpapasalamat ang pamunuan ng 6th ID sa tiwala ng kanilang mga dating nakakaengkwentro sa mga liblib na bahagi ng probinsya at ngayoy kaisa sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa buong lalawigan.
Pinasalamatan din ng mga opisyales ang naging Suporta sa kanilang mga Programa ng Administrasyon ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu. Ito na ang ikatlong pagkakataon na nagsagawa ng kahalintulad na programa sa ilalim ng Administrasyon ni GMSM para sa mga dating rebelde
Matatandaang, nauna ng inihayag ni Gov. Mariam na isa sa kanyang hangarin na magkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Maguindanao, at mangyayari lamang ito kung ang lahat ay nagkakaisa.
Nanawagan rin ang gobernadora lalo na sa mga patuloy na nakikibaka sa pamahalaan na bigyang daan ang Kapayapaan at Kaunlaran.
Bukas rin aniya ang kanyang Administrasyon para bigyan ng tulong ang mga ito.
Noong nakaraang mga buwan, nauna naring pinagkalooban ng mga payong-payong bukod pa sa mga farm equipments ang rebel surenderees.
https://rmn.ph/mga-dating-biff-combatants-nakabiyaya-ng-farm-equipments-mula-maguindanao-government/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.